Connect with us

Entertainment

The Voice Kids Season 2 Champion Elha Nympha, Masayang Ibinahagi ang kanyang Nakamit na Tagumpay Matapos Makatanggap ng Certificate ng Mula sa Harvard

Ang mahusay na singer na si Elha Nympha ay unang nakilala sa The Voice Kids season 2 noong 2015. Hindi naman maikakaila na talagang napakahusay ni Elha sa larangan ng musika. Ang napakaganda nga niyang tinig ang nagdala sa kanya sa tagumpay kung saan marami na siyang naging performance na hinangaan ng publiko.



Photo credits: google.com

Sa murang edad ay nakita na agad ang potensyal ni Elha sa pag-awit. Sa edad nga na tatlong taong gulang ay nagsimula na siyang umawit at ipamalas ang kahanga-hangang kakayahan sa pag-awit.

Samantala, naging bukas na si Elha sa publiko sa mga kaganapan sa buhay niya. At kamakailan nga sa “Kapamilya Confessions” online quarantine version, ay proud na ibinahagi ng singer ang kanyang mga nakamit ngayong panahon ng quarantine.

Ang una ngang naging katanungan kay Elha ay kung kailan siya huling beses na nagsabi ng “I love you”. Alam naman nating lahat na may nobyo na ang singer, at kamakailan lamang ng mabunyag ito. Pag-amin naman ni Elha, ay tinext niya ang kanyang boyfriend na si Brian Gazmen bago sumalang sa live ng Kapamilya Confessions upang magbigay ng update.

Photo credits: Elha Nympha | Instagram

Nang madako naman ang tanong kung kelan siya huling umiyak, dito na nga ibinahagi ni Elha ang kanyang nakamit na tagumpay matapos makatanggap ng certificate mula sa Harvard dahil sa partipasyon niya sa isang webinar. Hindi nga halos makapaniwala ang batang singer sa natamo niyang tagumpay kung kaya’t naiyak na lamang siya sa labis na kaligayahan matapos matanggap ang certificate.



“Last time I cried I think that was because ano I received a certificate from a Harvard webinar. Well, it’s just a webinar pero sobrang nakaka-senti sa akin ‘yun. Super happy ko na like at this age makatanggap ng certificate from Harvard.”

Photo credits: Elha Nympha | Instagram

Samantala, isa rin sa maituturing na achievement ni Elha habang nasa panahon quarantine at nasa loob ng tahanan ay ang biglaan niyang pagpayat. At nakamit niya nga ito dahil sa kanyang “super diet”. Pag-amin naman ni Elha ay pinaghirapan niya ang kanyang fit at slim na katawan ngayon. At ang naging inspirasyon niya ay ang panonood ng work out routine ng sikat na Youtube vlogger na si Chloe Ting.

At upang mas lalo pa niyang makamit ang fit and healthy lifestyle ay sinabayan rin niya ito ng pagdadiet kung saan ay kumakain lamang siya ng tatlong kutsarang kanin kada araw.

“Yung workout ni Chloe Ting. And ‘yung diet ko naman is so hard. Tatlong kutsarang kanin.”

Photo credits: Elha Nympha | Instagram

Samantala, nagbigay naman ng tip si Elha sa mga nais ring pumayat na tulad niya na subukan rin ang healthy lifestyle upang makamit ang fit at healthy body.



“Lagi ko ‘tong sinasabi, kung gusto mo maging healthy — kung ginagawa mo ‘yun para sa sarili mo, just do it guys. ‘Wag kayong mahihiya and ‘wag kayong mag-hesitate na gawin ‘yun kasi balang araw, ‘pag na-reach niyo na ‘yung certain goal niyo na sinet niyo para sa sarili niyo, it’s really amazing.”

error: Content is protected !!