Connect with us

Entertainment

The Voice Kids Grandwinner na si Lyca Gairanod, Ipinasilip ang Bagong Sasakyan na Kanyang Naipundar na Bunga ng Kanyang Pagsisikap

Malayo na ang narating ng batang singer na si Lyca Gairanod at ngayon nga, ay tinatamasa na ng kanilang pamilya ang maayos na buhay. Nagmula sa mahirap na pamilya si Lyca, ngunit dahil sa kanyang ipinakitang husay at galing sa pagkanta ay nagbago ang buhay ng kanilang pamilya.

Pangarap ang naging puhunan ng batang singer, para matamo ang tinatamasang tagumpay ngayon. Hindi nga sumuko si Lyca sa kanyang pangarap at siya ang itinanghal na grandwinner ng The Voice Kids: Season 1.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Hinahangaan naman ng marami hindi lamang ang talento ni Lyca, kundi pati na rin ang kanyang mabuting kalooban at pagiging mapagkumbaba. Kahit nga na malayo na ang narating sa buhay, at nasa rurok na ng tagumpay ay nananatili paring nakatapak sa lupa ang mga paa ni Lyca. Hindi siya nakalimot sa kanyang pinagmulan, at nananatiling mapagkumbaba.

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Dahil nga sa kanyang pagsisikap, ay marami na ang naipundar ni Lyca. Bukod nga sa bahay, ay nakapagpundar narin siya ng isang bago at napakagandang sasakyan. Ang magkaraoon ng sariling sasakyan, ay matagal nang pangarap ni Lyca. Kaya naman, talagang hindi siya sumuko upang matupad ito.

“Alam nyo kasi dati pangarap ko lang ‘to na magkaroon talaga ng sariling sasakyan, and ngayon, winish ko talaga, pinush nang pinush na magkaroon ng sariling sasakyan.”

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Sa latest vlog ng young singer na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ay nagkaroon siya ng isang car tour at masayang ipinasilip sa kanyang mga tagahanga ang loob ng bago niyang sasakyan na bunga ng kanyang pagsisikap.

Ayon nga kay Lyca, ay nagsisilbi rin niyang pangalawang tahanan ang bago niyang sasakyan dahil dito na siya nagpapahinga sa tuwing may pinupuntahan.

“Excited na ko ipakita yung aking pangalawang tahanan. Iba pa yung bahay ko, kasi ito para ko na ‘tong house eh. Talagang ito na yung pangalawa mong bahay, kasi dito ka na nagpapahinga.”

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Ibinahagi rin ni Lyca na marami siyang gustong sasakyan, ngunit ito talaga ang pinakagusto niya sa lahat. Dahil nga, talagang pinaghirapan niyang magkaroon ng bagong sasakyan, ay mapapansin na talagang matinding pag-iingat ang ginagawa ni Lyca rito. Mapapansin rin na malinis ang loob ng sasakyan, dahil hindi hinahayaan ni Lyca na madumihan ito.

“Marami akong gustong sasakyan pero ito talaga, bet na bet ko talaga na sasakyan ito.”

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Samantala naikwento rin ni Lyca na dahil matagal siya bago nagkaroon ng sasakyan at nakasanayan na niya ang pagko-commute noon pa lamang na nasa The Voice siya. Kaya naman, walang pagsidlan ng saya si Lyca, dahil ngayon ay natupad na ang kanyang pangarap at hindi na niya kailangang mag-commute upang makarating sa kanyang destinasyon.

“Nagkaroon na rin naman ako ng sasakyan dati, urban state. Matagal din bago ako nagkaroon ng sasakyan, so talagang commute-commute talaga ako.”

“Seryoso yun, nagko-commute ako – dati talaga nung nagda-The Voice ako, mahilig na talaga kong mag-commute ganyan.”

Photo credits: Lyca Gairanod | Youtube

Hindi nga imposible ang pagtupad sa pangarap lalo na kung sasamahan ito ng sipag at tiyaga. Katulad nga ni Lyca, na hindi sumuko at patuloy na inabot ang kanyang mga pangarap. Dahilan upang magkaroon ng maayos at maginhawang buhay ang kanyang pamilya.

error: Content is protected !!