Connect with us

Entertainment

“The transition is real”: Kim Atienza, Kumpirmado na Ang Paglipat sa GMA Network Bilang Isang Kapuso Matapos ang Pagiging Kapamilya sa Loob ng 16 Years

Ang TV host at weather reporter na si Kim Atienza o kilala rin ng lahat bilang si Kuya Kim ay halos 16 taon nang nagbibigay ng makabuluhang balita at impormasyon sa publiko bilang isang Kapamilya. Ngunit, kamakailan lamang nga, ay usap-usapan ang paglipat umano ni Kuya Kim sa kalaban nitong istasyon, ang GMA Network.

Credits: Kim Atienza | IG

At kamakailan lamang nga, ay kumpirmado na ang pasya ni Kuya Kim na lumipat sa GMA at maging isang Kapuso. Nito lamang ika-28 nang Setyembre nang kunan ang Opening Break Bumper o OBB ng bagong programa ni Kuya Kim sa GMA. Makikita sa isang maikling video na nakasakay ng kanyang motorsiklo si Kuya Kim at suot ang denim jeans, at boots nang dumating siya sa GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City. Ang OBB ni Kuya Kim ay kinunan sa lobby ng GMA ngunit sa ngayon ay hindi pa tiyak ang pamagat ng mga shows ni Kuya Kim sa Kapuso network.

Bago naman mapabalita ang paglipat ni Kuya Kim sa GMA, ay nagkaroon muna siya ng pahayag para sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta na idinaan niya sa Facebook live. Ayon nga kay Kuya Kim, ay nais niyang klaruhin ang mga kumakalat patungkol sa desisyon na kanyang gagawin. At dito nga, ay sinabi ni Kuya Kim na “the transition is real”. Patunay nga ito ng kanyang paglipat sa kalabang network. Nagpasalamat naman si Kuya Kim sa kanyang mga tagahanga na walang sawang nagpapakita ng pagsuporta sa kanya.

Credits: Kim Atienza | IG

“Alam ko bakit napakaraming mga viewers natin ngayon, lalung-lalo na sa Facebook, kasi may mga kumalat na post tungkol sa mga gagawin ko daw sa mga susunod na araw, mga desisyon na gagawin ko sa mga susunod na araw.”

“For those who follow me here on Facebook and YouTube, Kuwentuhan with Kuya Kim, remember, a couple of weeks ago, I was… I told you to pray for me because I am in transition. Remember that?”

“I will always be very truthful to you, my Facebook and YouTube followers, utang na loob ko sa inyo for following me and for being with me through hard times and good times.And that period of transition is still ongoing. Transition. What does transition mean? Transition is moving from Point A to Point B.This is what I can say: the transition is real.”

Credits: Kim Atienza | IG

Samantala, sa kanyang pahayag ay sinabi at nagpahiwatig rin si Kuya Kim na dapat umano siyang panoorin sa TV Patrol sa October 1, araw ng Biyernes dahil ito raw ay isang “historical day” para sa kanya. Ayon pa kay Kuya Kim ay hindi pa siya pwedeng maglabas ng detalye kung kaya’t mas mabuti raw na panoorin na lamang siya sa TV Patrol sa darating na Biyernes.

“I cannot tell you any specifics, any specific as to what transition, to where, and the details. But I would highly suggest that you watch me on TV Patrol this coming Friday. It will be a very historical day for me on TV Patrol on Friday. Watch TV Patrol on Friday, and watch my segment on TV Patrol on Friday, and I’ll be truthful. I’ll tell you what’s going to happen.

“But, you know, because when you follow me here on Facebook and YouTube, that Kuya Kim has been in transition, and has been praying for transition, peaceful transition and peaceful seamless transition.”

Credits: Kim Atienza | IG

“You know, I’ve been gifted by the Lord with signs whenever I pray for signs, whenever I have to make a big decision.”

“I pray for signs, and the signs have been so clear whenever it’s His will. Whenever it’s His will, the signs are so clear in the decision I make. It will be official on Friday, that’s what I can tell you.Watch me on TV Patrol on Friday and you will know what it’s all about.”

error: Content is protected !!