Connect with us

Entertainment

“The Proposal” Dennis Trillo Ibinahagi ang Video ng Kanyang Naging Wedding Proposal sa Nobya niyang si Jennylyn Mercardo

Marami ang natuwa sa naging announcement ng long-time couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nito lamang ika-29 ng Oktubre, araw ng Biyernes. At ito nga ang kanilang engagement na kanilang isinapubliko sa pamamagitan ng isang video na pinamagatang “After All: Jennylyn & Dennis Episode 1”, na mapapanood sa YouTube channel ni Jennylyn.

Sa nasabing video ay mapapanood ang puno na emosyon na proposal ni Dennis kay Jennylyn. Bungad ni Dennis sa video, ay nais niyang ibahagi sa kanilang mga tagahanga ang isa sa pinakamahalagang araw para sa kanila ni Jen.

“Gusto kong i-share sa inyo ang isa sa pinaka-mahalagang araw sa buhay namin ni Jen. At hindi niya alam na ito na pala ‘yun.”

Ayon pa sa aktor, ay walang alam si Jen sa kung anong mangyayari ng araw na iyon, dahil ang pagkakaalam ng aktres ay magso-shoot lang sila ng isang video para sa kanilang “future selves”.

Sa pagsisimula ng usapan nina Dennis at Jen habang hawak ng aktor ang kamay ng aktres, ay emosyonal ang mga katagang lumabas sa bibig ni Dennis, at sinabi nga na haharapin nilang magkasama ang panibagong journey sa kanilang buhay. Nagpasalamat naman si Dennis kay Jennylyn dahil kasama niya umano ito sa bagong journey na kanilang tatahakin.

“Narating din natin, step by step, dahan dahan. Ito ‘yung mga araw sa buhay natin na magbabago na talaga. Papasok na tayo sa panibagong level. Panibagong stage. Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Pagpapatuloy pa ni Dennis, ay sinabi niya na ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na gawin ito, dahil noon nga raw ay hindi pa sila handa ngunit ngayon nga, ay talagang handang-handa na sila. Kapansin-pansin naman na hindi na napigilan ni Jen ang kanyang emosyon, at tuluyan na siyang napaiyak sa mga nakakaantig na sinabi ng aktor.

“Iniisip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari. Hindi pa kasi ako ready noon pero siniguro ko muna na, talagang kapag nangyari ‘yun, ito na ‘yung best version ko.”

Ipinahayag rin ni Dennis ang kanyang labis na pasasalamat sa pagdating ni Jennylyn sa kanyang buhay. Ayon sa aktor, ay si Jen ang kanyang nais makasama sa buhay. At dito nga, ay biglang bumukas ang pinto sa likuran ni Jen, kung saan makikita ang napakagandang dekorasyon na may nakalagay na “Marry Me”. Kasabay nga nito, ang pagluhod ni Dennis sa harapan ni Jen para isuot ang singsing sa daliri ng aktres.

Matapos nga tanungin ni Dennis si Jen ng “Will you marry me?”, ay agad namang sumagot si Jen na kanyang matamis na “Oo naman”. At matapos nga nito, ay isang mahigpit na yakap at matamis na halik ang kanilang pinagsaluhan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Hindi lamang ito ang naging announcement ng celebrity couple, dahil sa panayam sa Chika Minute sa 24 Oras, ay ibinunyag rin nila na sila’y malapit nang magka-baby. Sa ngayon kasi ay tatlong buwan na ang dinadala ni Jen sa kanyang sinapupunan.

Masayang-masaya naman sina Dennis at Jen dahil magkakaroon na rin sila ng sarili nilang anak. At ang hangad nga ng celebrity couple ay isang baby girl ang ipagkaloob sa kanila dahil mayroon na silang lalaking anak pareho. Si Dennis ay may anak na nagngangalang Calix na anak niya sa kanyang ex-girlfriend na isang beauty queen na si Carlene Aguilar. Habang si Jennylyn ay may anak rin sa kanyang dating karelasyon na si Patrick Garcia, siya naman si Alex Jazz.

error: Content is protected !!