Connect with us

Entertainment

“The best decision in my life”, Derek Ramsay Ginunita ang Unang Taong Anibersaryo ng Naging Wedding Proposal Niya sa Misis Niya na Ngayon na Si Ellen Adarna

Isa sa mga celebrity couple ngayon na tila naman talagang ‘happily married’ ang pagsasama bilang mag-asawa ay ang aktres na si Ellen Adarna at aktor na si Derek Ramsay. Marami man ang nasorpresa sa biglaan na pag-iibigan ng dalawa at sa agaran nilang pagpapakasal, ay makikita naman ngayon na tunay na maligaya sila sa piling ng isa’t isa at puno nga ng tamis ang kanilang pagsasama.

Photo credits: Derek Ramsay| IG

Samantala, parang kailan lamang ng sorpresahin ni Derek ang aktres na si Ellen Adarna ng yayain niya nga itong pakasal, at nito nga lamang nakaraan ay ginunita ng aktor ang unang anibersaryo ng naging wedding proposal niya sa misis niya na nga ngayon na si Ellen.

Sa Instagram account ni Derek nito lamang nakaraan ay makikita nga ang naging pagunita ng aktor sa naging pag-yaya niya ng kasal sa dati ay kasintahan pa lamang niya na si Ellen Adarna, isa nga sa mga sikat at magagandang aktres sa mundo ng showbiz.

Photo credits: Derek Ramsay| IG

Matatandaan na bago ang naging sorpresang wedding proposal ni Derek kay Ellen na nagpa-emosyonal sa aktres noong ika-30 ng Marso noong nakaraang taon, ay una na ngang naging usap-usapan ng mga netizens ang pagkakaroon ng romatikong ugnayan ng dalawa ng sila nga ay ma-isaptan na magkasama sa isang party kung saan ay kumportable nga sila sa isa’t isa.

Photo credits: Derek Ramsay| IG

Matapos ngang lumabas sa balita na niyaya ng magpakasal ni Derek ang aktres, ay agad namang naitanong sa kanya kung kailan ba gaganapin ang pag-iisang dibdib nila, at ito ay kaagad namang sinagot ng aktor na hindi nga matatapos ang taong 2021 ay gaganapin na ang kasal nila ng kasintahan.

Photo credits: Derek Ramsay| IG

Maraming mga netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa naging wedding proposal ni Derek at Ellen, ang iba nga ay mga negatibo pa ang naging komento patungkol sa pagpapakasal ng dalawa. May ilan na nagsabi na baka hindi rin mauwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa, dahil sa ito nga ay tila naging mabilisan, dahil wala pa ngang isang taon ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Photo credits: Derek Ramsay| IG

Ngunit pinatunayan nga nina Ellen at Derek na wala sa tagal ng relasyon ang pagsasama ng dalawang tao upang ito ay mauwi sa pagpapakasal, dahil bago nga magtapos ang taong 2021, sa ika-11 ng buwan ng Nobyembre ay sinorpresa nga nina Ellen at Derek na sila ay kasal na at ito nga ay ginanap Rancho Bernarso sa Bagac, Batangas na isang intimate at epic wedding ceremony.

Photo credits: Derek Ramsay| IG

Si Derek Ramsay o sa tunay na buhay ay si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr,m ay isang British-Filipino actor, model at host. Siya ay isinilang noong ika-7 ng Disyembre taong 1976 sa Enfield, England. Sa kabila na siya’y ipinanganak sa Brintanya, ay lumaki naman siya sa Cainta, Rizal.

error: Content is protected !!