Connect with us

Stories

Thai Billionaire Trans Woman Klinaro ang Totoong Estado ng Relasyon sa Dating Nobyo ni Catriona na si Clint Bondad

Published

on

Nagtrending ang mga larawan ngayon ni Clint Bondad kasama ang Transgender Thai na si Anne Jakrajutatip. Dahil dito ay marami ang nagtatanong – sila ba ay may relasyon?

Si Clint Bondad ay isang Filipino German Model at Aktor. Siya ay ang kilalang ex-boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray. Pebrero nga lng ng taong ito ay kinumpirma ni Catriona na sila ay hiwalay na pagkatapos magsama ng anim na taon.



Si Jakkaphong ‘Anne’ Jakrajutatip, o Anne naman ay isang 40 year old na bilyonaryang Thai Businesswoman at isang Transgender. Siya ang Chief Executive Officer ng JKN Global Media. Bilang isang Thai Content Provider na Kumpanya, naipapalabas nito ang mga Thai Programs sa ibang ibang bansa sa pamamagitan ng pakikipag partner sa mga TV networks. Sa Pilipinas, ka-partner nila ang dalawang leading network na ABS-CBN at GMA.

Minsan na din na siya ay pinangaralan si Anne bilang Asia Media Woman of the Year sa ginanap na Content Asia 2019 sa Singapore – ang kauna unahang Transgender at Thai na nakatanggap nito.

Nang silipin ang Instagram ng Thai Businesswoman matapos magpost ng Aktor ng Larawan nilang dalawa, nakita na may ibang mga larawan din na pinost si Anne na kasama si Clint.

Sa caption ng nirepost ni Anne, nakalagay ang sumusunod:

‘Welcome to Thailand, Mr. Clint’

 

May caption din siya sa ibang post na ganito ang sinasabi:

‘Thank you for accepting who I am. [kiss emojis] You are the great gentleman, my dear.’

Kaya’t ang tanong ng madami, anu ang kugnayan nilang dalawa. Maraming netizen ang nagkomento. Ang iba ay naniniwalang sila ay magkasintahan. Ang iba ay nagsabing pineperahan lamang ng Aktor ang bilyonaryang Transgender. May mga nagsabi din na bagay silang dalawa.

Nilinaw naman ni Anne ang totoong sitwasyon at sinagot din ang ibang may comment sa Social Media. Ang sagot niya, kapatid ang turing niya kay Clint.

Sa komento tungkol sa diumano ay pamemera lamang ang habol ni Clint sa kanya, sinabi niya ang sumusunod:



‘thank you. I got to choose not to be chosen! He’s my brother. Nothing beyond’

Sa isa pang komento na nagpapahayag ng suporta at pagpapasalamat sa pagmamahal umano ni Anne kay Clint, ay ito naman ang sagot nya:

’yes he’s a brother to me. Thank you for the right understanding!!!’

Para naman sa nagsabi na sila ang kanyang ‘favorite couple’ forever, ito ang reply ni Anne:

‘Forever brother sister !!! Thank you!’



Isa namang netizen ang nagtanong kung si Clint ba ang kasintahan niya, ngunit malinaw ang sagot ni Anne na hindi ito ang kanyang nobyo:

‘ no not my boyfriend. I already have my own soulmate!!!’

Kung susuriin, hindi lang naman larawan nila ni Clint ang pinost ni Anne. Kasama din ang ibang Kapuso Stars kasama sina Alden Richards, Heart Evangelista, Derrick Monasterio, Dennis Trillo at Ken Chan.

error: Content is protected !!