Connect with us

Entertainment

Teresa Loyzaga At Sunshine Cruz, Ikinatuwa Ang Pagkakaayos ng Mag-amang Cesar Montano At Diego Loyzaga Matapos ang 7 Taon na di Pag-kikibuan

Matapos ang pitong taong hindi pagkakaunawaan ng mag-amang Diego Loyzaga at Cesar Montano, sa wakas nga ay muling naibalik ang kanilang magandang relasyon bilang mag-ama. Si Diego ay ang bungga ng pagmamahalan ng aktres na si Teresa Loyzaga at aktor na si Cesar Montano.

Matatandaan na naging magkarelasyon ang dalawa ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at kalaunan ay naghiwalay rin. Sa kabila ng hindi boung pamilya ay makikitang naitaguyod at napalaki ng maayos si Diego ng kanyang ina. At sa kabila ng samu’t saring isyung ibinabato sa binata nanatili itong matatag. Si Diego ay nagsimula sa pagiging modelo bago pumasok sa showbiz kilala rin siya bilang isa sa mga miyembro ng male group, Kapamilya Cutie. Mas lalong namang namayagpag ang karera ni Diego nang ipamalas nito ang kakayahan sa pag-arte. Dahil sa kanyang husay ay maraming natanggap na proyekto si Diego dahilan ng matagumpay niyang kareran sa industriya ng showbiz.

photo credits: google.com

At kamakailan lamang nga, ay labis na ikinatuwa ng kanyang ina na si Teresa ang paghingi ng tawad ni Diego sa ama nitong si Cesar. Nitong Biyernes lamang, ika-4 ng Marso nang magpost sa kanyang Instragram story si Teresa ng simple ngunit makahulugang larawan ng mag-ama. Makikita nga sa IG stories ng aktres, ang lumang larawan ng mag-amang Cesar at Diego, habang karga ni Cesar ang kanyang anak.

Samantala, inamin naman ni Diego ang kanyang pagkakamali, padalos dalos na desisyon at pagkukulang bilang anak. Ito ang nakasaad sa caption ni Diego sa nasabing IG post na nagsasabing:

“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Ayon pa sa aktor, pagdating ng panahon ang pamilya ay pamilya at tanging kaagapay sa anumang kagipitan. Pahalagahan ang magulang habang nabubuhay pa kasi walang kasiguraduhan ang buhay walang nakakaalam ng kahahantungan.

“One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today. Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised.”

Sa nasabing post naman ay nag-iwan ng isang like reaction ang dating asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz.

photo credits: google.com

Bilang ama humihingi rin ng kapatawaran si Cesar Montano sa dating asawa nito na si Sunshine at sa kanilang mga anak. Tunay nga na walang perpektong pamilya at relasyon kung saan ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa huli nga ay mas mahalaga ay piliin natin ang magpakumbaba at magpatawad hindi para sa taong nagkasala sa atin kundi para sa sarili natin. Mas piliin ng payapang buhay at pagmamahal ang ipamalas sa kapamilya man o hindi.

error: Content is protected !!