Connect with us

Entertainment

Tambalang Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, Muling Magpapakilig sa mga Manonood sa Reunion Movie nila na “Walang Ka-Paris”

Minsan na nating nasilayan ang maganda at nakakakilig na chemistry ng tambalang Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa pelikulang “Kita Kita” na naging box office hit noong 2017. Marami ang humanga sa taglay na talento sa pag-arte nina Empoy at Alessandra, na talaga namang nagpaantig sa puso ng mga manonood.




Sa pelikulang “Kita Kita” ay gumanap si Alessandra bilang Lea na isang Pilipino sa Japan na nagtatrabaho bilang tour guide na nabulag matapos masaksihan ang pagtataksil ng kanyang fiance. At matapos ang mapait na karanasang ito, ay nakilala naman ni Lea si Tonyo na karakter naman ni Empoy. Nagsimulang maging magkaibigan ang dalawa, at nang lumaon ay nahulog na nga sa isa’t isa.

Ang takbo ng kwento ng pelikula, ay mas lalo namang pinaganda ng tambalang Alessandra at Empoy. Dahil nga, talagang tinangkilik ng publiko ang kanilang tambalan, ay muli na naman silang magsasama sa isang pelikula upang maghatid ng kilig sa mga manonood. Ito nga ang pelikulang “Walang Ka-Paris” kung saan ay sinimulan ng i-shoot ng on-screen partner. Ito nga ay direksyon ng mahusay manunulat at direktor ng “Kita Kita” na si Sigrid Andrea P. Bernardo.

Ayon naman sa ulat ng PUSH, ay nilinaw ni Sigrid na ang pelikulang “Walang Ka-Paris” ay hindi umano sequel ng pelikulang “Kita Kita”9, dahil ito ay naiibang kwento.




“This is a totally different story. Alessandra and Empoy will reunite in the city of love — Paris, thus the title Walang Ka-Paris,” saad ni Sigrid.

Samantala, ibinahagi naman ni Sigrid sa Instagram ang ilang kuha ng larawan sa set ng pelikulang “Walang Ka-Paris”. At ayon sa update nito, ay natapos na nilang ishoot ang first leg ng pelikula. Sa nasabing post, ay binati at pinasalamatan ni Sigrid ang team na “Walang KaParis”.

“Day 5. Done with our first leg of shoot. Congratulations team #WalangKaParis ! Thank you and see you next year! Merry Christmas and a Happy New Year!.”

Ang reunion movie na ito nina Alessandra at Empoy ay nakatakdang ipalabas sa susunod na taon. Ito naman ay co-produced ng Spring Film at Viva Film.

Agad namang nakatunog ang mga netizens sa muling pagtatambalan ng kanilang mga iniidolo, kung kaya’t hindi pinalampas ng mga ito na magbigay ng kanilang reaksyon at komento.

“Can’t wait for your movie..I’ve watched Kita Kita for 1million times already! That’s how I love your team up and of course the story. Just sad that up to now, Through Night and Day is still not on Netflix US”
“Nakakasabik na muli kayong makita sa iisang pelikula.”
“excited na sa movie niyo together”
“Panonoorin ko tooooooo po”

error: Content is protected !!