Connect with us

Inspiring

Tamang Pagba-budget ng Sahod Na P20,000 Sa Loob Ng Isang Buwan, Ibinahagi Ng Isang Mommy

Isa sa tungkulin ng ilaw ng tahanan ang magbudget para sa pamilya. Ngunit, hindi madali ang tungkuling ito lalo na kung ang perang pumapasok sa tahanan, ay kulang na kulang sa mga pangangailangan ng pamilya.

CREDITS: MommyBudgetarian|IG

Mas lalo pa nga itong pinahirap ng pademyang ating nararanasan na bukod sa nagmahal ang mga bilihin ay hirap rin talagang kumita ng pera. Kaya naman, kailangang maging wais at madiskarte sa paghawak ng pera para mapagkasya sa pangangailangan ng pamilya.

CREDITS: MommyBudgetarian|IG

Katulad na lamang nga ni Mommy Isabel na ang kanyang mister ay lumaking masinop at madiskarte, habang siya naman ay lumaking pinagtatrabahuan ang lahat na nais niyang bilhin. Ibinahagi kamakailan ni Mommy Isabel ang 5 simple tips sa tamang pagbabudget na makakatulong sa bawat pamilya.

CREDITS: MommyBudgetarian|IG

Importante na meron kayong ledger ng expenses
Ayon nga kay Mommy Isabel ay mahalagang may ledger ng expenses. Siya ay gumagamit ng Excel sheet para sa listahan ng bills at expenses. Mas madaling gumamit ng Excel dahil may computation na ito. Kung wala namang Excel, ay maaaring gumamit ng notebook bilang listahan. Mahalagang may listahan para alam kung saan napupunta ang pera ng pamilya.

Mag-budget at least isang buwan bago dumating ang income
Mahalaga rin na magbudget na kaagad isa buwan pa lamang bago dumating ang income. Mahalaga ito upang mapaglaanan na ang mga fix expenses tulad ng bills, mortgage, insurance at edication. Sa ganitong paraan ay nalalaman agad kung magkakasya ba ang parating na pera.

Halimbawa na lamang nga sa income na P20,000 ang pera. Ang P10,000 ay mapupunta sa fixed expenses, at ang natirang P10,000 ay kailangang pagkasyahin.

Magkaroon ng sistema sa monthly budget
Ayon kay Mommy Isabel, ay wala silang mga appliances na malakas ang kunsumo sa kuryente tulad ng aircon, TV at rice cooker. Hindi rin sila mahilig bumibili ng mga mamahalin at branded para makatipid. Tipid rin sila sa gas dahil isang beses lang kung magluto sa maghapon. Ang para sana sa transportation, ay napupunta naman sa internet dahil naka-work from home ang kanyang mister. Malaki rin ang naitutulong sa kanila ng pagkakaroon ng insurance lalo na nga sa health insurance dahil nagagamit nila ito tuwing check up at sa hospital bills. May nakalaan rin silang saving na maaaring magamit sa emergency at para rin sa long term goal. Malaki rin ang natipid nila sa pag-aaral ng kanilang mga anak dahil remote learning naman ngayon. Kaya naman ang para sa educational fund ay napunta sa birthday funda na pambili ng handa.

Iprioridad ang needs vs. wants
Napakahalaga sa paghawak ng pera kung ano ang mga dapat at hindi dapat bilhin. Makakatulong nga ang pag-iwas sa mga e-commerce website para hindi matukso sa tuwing may sale.

Maging wais sa lahat ng bagay
Mahalaga rin na maging wais sa pagbili ng mga bagay. Kung bibili nga ng gamit sa bahay ay bilhin na yung may magandang quality para magamit ng matagal. Mas piliing bilhin ang mga bagay kung saan mas nakakatipid.

CREDITS: MommyBudgetarian|IG

Mahalaga nga na maging wais at madiskarte sa paghawak ng pera upang magamit ng tama, at may maitabi pa para sa pamilya. Ang tamang paghawak ng pera ay isang magandang kaugalian na maaari nating maipamana sa ating mga anak.

error: Content is protected !!