Hindi naman bago ang mga mga nakikita nating nagtatanghal sa mga kalsada o kahit saang mataong pampublikong lugar. Maraming mga kaawa-awang mga tao ang nakikita nating kumakanta o tumutugtog ng musika sa mga bangketa, eskinita at kalsada upang makalikom ng pera na sapat upang mabuhay sila sa kabila ng matinding kahirapan o maging kapansanan man.
Marami sa mga street performances na ito ay kamangha-mangha sapagkat maaaring mapagkamalan mong isa itong propesyunal na pagtatanghal dahil sa lubhang kagalingan ng mga ito.
Kamakailan ay sumikat ang dalawang batang babae sa social media matapos nilang magpamalas ng galing sa pagtugtog ng drums sa gitna ng kalsada sa parte ng Maynila. Inupload ang bidyo ng kinilalang si Joy C. Matos sa Facebook at makikitang ang dalawang bata ay bihasa na sa pagtugtog ng drums, katuwang ang kanilang amang may kapansanan na nagsisilbing gitarista at bokalista ng mga ito.
Ang magpamilya ay nagpamangha sa mga nanonood ng itinugtog nila ang legendary songs na ilan sa mga ito ay mga kanta nila Freddie Aguilar na “Estudyante Blues”, “Pusong Bato” ni Aimee Torres at “Bikining Itim ni Black Jack.
Marami ang humanga sa social media at nagkumento ng mga positibong pagkilala sa kagalingan ng mag-anak. Samantalang, nagtagal naman sa kalsada ang mga ito ng halos trenta minuto na lubhang nagpatigil sa mga dumadaan at nang-engganyong pakinggan ito. Giliw na giliw ang mga manood na kumukuha ng litrato at bidyo, kaliwa’t kanan habang nagtatanghal ang magpamilya.
Mula sa huling tala ay umabot ang viral video ng four million views at 100,000 shares sa Facebook. Talagang magaling ang mag-anak at tunay na hahangaan ng mga netizens na makakapanood sa viral video sa social media.
Marami rin sa mga tagahangan ito ang nagsabing maaaring sumali sa mga talent shows sa telebisyon ang mga bata at karapat dapat na maitampok sa mga TV shows gaya ng “Kapuso Mo Jessica Soho”, at “Rated K” upang mabigyan ng pagkilala ang talento ng mga ito at maitampok ang kanilang buhay.
Umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang bidyo. Pero iisa lang ang mensahe ng mga ito at iyon ang mensahe ng pagkamangha sa talento ng mag-anak. Talagang determinado ang mga ito na lumaban sa hirap ng buhay at makipagsapalaran sa kabila ng kapansanan ng ama.
Gamit ang angking talento ng mag-anak ay pinukaw nila ang damdamin ng mga taong nakatunghay sa kanilang pagtatanghal. Ito’y tungo sa muling pagbubukas ng isang kabanata na maaaring mag-ahon sa kanila sa kinayuyurakang sitwasyon na ating batid na hindi ganoon kadali subalit batid din natin na kanilang nilalabanan at kinakaya.