Connect with us

Entertainment

“Taho Time” Tili Bolzico Isang Certified Big Taho Lover, Laging Bumibili sakanyang Paboritong Taho Vendor na si Kuya Henry

  • Certified Taho Lover ang anak ni Nico Bolzico at Solenn Heussaf na si Thylane.
  • Sa isang maikling video clip makikitang marunong ng bumili si Thylane ng kanyang paboritong taho.

Isang certified big taho lover ang anak ni Nico at Solenn na si Thylane, sa isang maikling video clip na ibinahagi ni Nico Bolzico sa kanyang instagram account ang nakakatuwang video nilang mag-ama habang sinasamahan nitong ang anak na si Thylane na bumili sa nagngangalang Kuya Henry na isang taho vendor.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Sa isang bahagi ng video makikitang kinakausap ni Kuya Henry si Tili, habang nakatuon naman ang pansin ni Tili sa ginagawa ni Kuya Henry.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Makikita din na hinayaan ni Nico na si Tili ang mag-abot ng bayad kay Kuya Henry sabay fist bump.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Sa huling bahagi naman ng video makikitang enjoy na enjoy si Tili habang kinakain ang kanyang favorite Taho.

Photo credits: Nico Bolzico | IG

Samantala, mapapansin din sa ilan pang mga video post ni Solenn na suki ni Kuya Henry si Tili dahil tuwing dumadaan ito harap ng kanilang bahay ay bumibili sila ng taho ni Kuya Henry.

May isang video pa nga na ibinahagi si Solenn kung saan tinuturuan ni Kuya Henry si Tili ng Filipino Alphabet. Kapansin pansin din na nakayapak lang sa si Tili habang bumibili ng kanyang paboritong taho kay kuya henry.

Photo credits: Solenn | IG

Photo credits: Solenn | IG

Madami naman ang humanga sa mag-asawang bolzico’s dahil bata pa lang ay tinuturuan na nila ang kanilang anak na maging humble sa kapwa. Ipinapakita lang ng mag-asawa sa kanilang anak na si Tili na maging marunong rumespeto at kahit mas mataas ang kanilang antas ng pamumuhay ay maging humble padin sa ibang tao especially sa mga kagaya ni Kuya Henry na street vendor.

Matatandaan na January 1, 2020 noong isilang ng aktres, vj, model, tv host na si Solenn Heusaff ang kanyang anak na si Thylane Katana Bolzico na binigyan nila ng palayaw na “Tili”. Si Solenn ay isang multi talented na tao kung saan magaling din itong kumanta, mag pinta, isang fashion designer at professional make-up artist. Kaya ilang sa mga talento niyang ito ay maaring mamana ng kanyang anak na si Tili.

Samantala si Nico Bolzico naman, asawa ni Solenn ay isang Argentinean Business Executive sa Esperanza, Santa Fe, Argentina. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp.

Ikinasal ang dalawa noong May 21, 2016 sa bansa France, matapos ang halos limang taon nila bilang couple.

Narito at panoorin ang mga video:

 

 

 

error: Content is protected !!