Connect with us

Entertainment

Tahanan ng Aktres na Si Cristine Reyes, Hahangaan Hindi Lang sa Ganda Kundi Dahil sa Pagiging Malinis at Maayos ng mga Kagamitan

Sabi nga nila kapag ang isang tao ay nagkaka-edad na ay nag-iiba na ang prayodridad at nagiging maselan na rin sa mga bagay sa ating kapaligiran, lalo na nga pagdating sa loob ng sarili nating pamamahay. Kapag ang tao nga ay nagkaka-edad na ay mas nais nitong maayos at malibis palagi ang kanyang tahanan, ito ay dahil sa tunay namang nakaka-relaks at nakakapagbigay aliwalas kapag ang isang tahanan ay malinis at nasa ayos ang mga kagamitan.

CREDITS: Cristine Reyes| IG

Ang tahana ng aktres na si Cristine Reyes ay tunay namang hahangaan hindi lamang ang angking laki at ganda nito, kundi maging ang taglay nitong kalinisan at kaayusan. Si Cristine ay kilala bilang isang mahusay na aktres sa mundo ng showbiz, maliban pa dito ay tunay ring kahuma-humaling ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

CREDITS: Cristine Reyes| IG

Matatagpuan ang napakagandang tahanan ni Cristine sa may Timog sa Metro Manila, at ito nga ay isa sa mga bunga ng naging pagsusumikap niya at puspusang pagtatrabaho niya bilang isang artista.
Ayon sa ulat, upang mas gumanda ang kanyang tahanan, ay ipina-renovate nga ito ng aktres,, kung saan ay umanot nga sa tatlong buwan bago iti natapos.

CREDITS: Real Living | Entertainment Website

Naging hands-on rin umano si Cristine ng panahong ipinare-renovate niya ang kanyang tahanan, kung saan siya nga mismo ang pumili at namili ng mga kagamitan dito, kahit nga yung mga kulay na ginamit sa iba’t ibang parte sa loob ng kanyang tahanan ay siya rin mismo ang pumili at namili.

CREDITS: Real Living | Entertainment Website

Talaga namang bumagay sa disenyo ng tahanan ng aktres ang napili niyang kulay na puti, may inilagay din nga siyang pailaw upang mas magmukhang tahimik at payapa pa nga ang kanyang tahanan. Ang naturang tahanan naman na ito ni Cristine ay nabili niya bago pa man siya ikasal.

CREDITS: Real Living | Entertainment Website

Makikita na ang living area ng tahanan ng aktres ay tunay na maliwanag at maaliwalas, lalo na’t ang nagbibigay liwanag dito ay ang natural na sinag ng araw na tumatagos nga mula sa napakalaking glass door. Sino man nga ang bibisita rito ay sigurado na mare-relaks at magiging kumportable sa malaking sofa sa living area. May built-in shelves din na mapapansin sa living area, at ayon nga sa aktres, ito ay kanyang inilagay upang dito idi-display ang iba’t ibang uri ng mga knickknacks niya.

CREDITS: Real Living | Entertainment Website

Pagdating naman sa dining room ng tahanan ni Cristine, ay kulay puti rin ang tema rito, ngunit mapapansin na ang ag dingding nito ay kulay lime green, ito nga ay upang makapagdagdag buhay sa naturang lugar na iyon. Ang leather chairs at marble na lamesa ay ipinasadya pa nga umano ng aktres.

CREDITS: Real Living | Entertainment Website

Malawak naman ang kusina ng aktres at ang kakikitaan nga ito ng disenyo ng kahoy. Nagdagdag din ng kulay sa bahagi na ito ng tahanan ni Cristine ang mga halaman na kanyang inilagay.

CREDITS: Real Living | Entertainment Website

Maliban pa nga sa bahaging ito ng tahanan ng aktres, ay ipinasilip rin niya ang iba, kagaya na lamang ng entertainment room, ang kanyang bedroom, malawak niyang bathroom at ang kanya ngang walk-in closet na labis din ang dami ng mga mga damit, bags at sapatos, na tulad ng sa ibang personalidad sa showbiz. Masasabi ngang napakaganda at napakalinis ng kabuuan ng tahanan ni Cristine.

error: Content is protected !!