Connect with us

Entertainment

Taglay na Kagwapuhan ni Ronaldo Valdez sa Lumang Larawan, Hinangaan ng mga Netizens

May mga sikat na artista noong unang panahon na talagang tumatak sa puso’t isipan ng publiko ang kanilang husay at talento sa pag-arte. Hindi rin siyempre maalis sa isipan ng madla, ang imahe ng kanilang magandang katangian na talaga namang kahanga-hanga.

Credits: Image From Google

Ilan na nga rito ang mga kilala at sikat na aktor sa showbiz noon na talagang taglay ang kahanga-hanga sa gwapong mukha at makisig na katawan.

Isa na nga rito ang sikat at kilalang aktor na si Ronaldo Valdez na halos limang dekada ng nasa industriya ng showbiz. Sa mahabang panahon nga nitong pananatili sa showbiz, kahit may edad na ngayon, ay hindi naman maikakaila na mababakas parin ang gwapo nitong mukha.

Credits: Image From Google

Sa isang video na ibinahagi ng isang netizen makikita ang pinagsama-samang larawan ng aktor magmula noong binata siya, hanggang ngayong may edad na. At matapos na masilayan ng mga netizens, ang bata at gwapong hitsura ni Ronaldo, ay ganun na lamang nga ang pagkamangha at paghanga ng mga ito.

Sa mga nasabing larawan nga, ay kitang-kita ang taglay na kagwapuhan ng aktor. At ang gwapo nitong mukha ay nahahawig sa mga heartthrob ng bagong henerasyon tulad nina Ian Veneracion, Jestoni Alarcon, at Ej Falcon. Samantala, marami naman ang nakapansin na hindi umano nito kamukha ang anak na si Janno Gibbs.

Credits: Image From Google

Si Ronald James Gibbs o mas nakilala sa screen name na Ronaldo Valdez na isinilang noong November 27, 1947 sa Sampaloc, Manila ay isang batikang aktor sa industriya ng showbiz. Taong 1966 nang magsimulang pasukin ni Ronaldo ang showbiz upang ipamalas ang kanyang husay sa pag-arte. Hindi naman nabakante ang aktor, kung saan ay halos limang dekada nang nasa industriya.

Nakilala naman ang kanyang pangalan sa kanyang karera sa showbiz sa pagganap bilang leading man, at ilang paternal roles. Naging matagumpay ang kanyang karera sa showbiz, at hanggang ngayon ay mapapanood siya bilang si Don Lucky sa John En Ellen na pinagbibidahan nina Ellen Adarna at John Estrada na mapapanood sa TV5.

Credits: Image From Google

Kilala rin siya bilang ama ng sikat na aktor, singer at komedyanteng si Janno Gibbs at Melissa Gibs. Ikinasal naman siya kay Maria Fe Gibbs. Samantala, minsan nang nagkaroon ng hidwaan ang mag-amang Janno Gibbs at Ronaldo, ngunit sa huli ay nagkaayos rin ang mga ito kung saan ay inamin ng aktor ang kanyang nagawang pagkakamali sa kanyang anak.

“Sabi ko nga ay just because you’re older doesn’t mean you’re wiser. And just because you’re a parent doesn’t mean you’re always right.”

error: Content is protected !!