Connect with us

Entertainment

Taglay na Ganda ni Kendra Kramer, Hinangaan Ng Mga Netizens at Tinawag na “Little Catriona”

Agaw pansin sa social media kamakailan ang napakagandang larawan ng panganay na anak nina Chesca at Doug Kramer na si Kendra Kramer. Dahil nga dito, ay talagang napahanga ang mga Filipino pageant fans na talagang nakaabang sa magagandang dilag na maaaring maging beauty queen.

Photo credits to the owner

Nito lamang ika-9 ng Enero ay ibinahagi ni Kendra ang kanyang napakagandang larawan na kuha sa impromptu shoot noong nakaraang linggo sa kanilang tahanan. At matapos masilayan ng mga netizens ang napakagandang larawan ng 12 taong gulang na si Kendra, ay agad nga itong pinagkaguluhan at humakot ng papuri at paghanga mula sa madla.

Makikita sa larawan ang pakagandang mukha ni Kendra. Nilakipan naman niya ang kanyang napakagandang larawan ng simpleng caption na:

“Did someone say pose?”, na sinamahan pa ng heart emoji.

Samantala, proud na proud naman sa kanyang anak ang former PBA player na si Doug Kramer. At sa official Facebook page nga ng Team Kramer ay ibinahagi nito ang isa pang larawan ni Kendra kung saan masisilayan ang taglay nitong kagandahan. Sa caption naman ng kanyang post ay hindi niya maitago kung gaano siya kaproud sa kanyang anak, at ipinaabot rin niya ang labis na pagmamahal sa kanyang anak.

Photo credits to the owner

“Noone in this world can love you more than me. I love you Kenny.”

Hindi naman nakalimutan ni Doug sa kanyang post na banggitin ang glam team na dahilan ng matagumpay na photoshoot ni Kendra, kung saan nga ay talagang napakaganda nito. Ang mga larawan ay kuha ng fashion photographer na si Jerick Sanchez. Ang glam team ay binubuo ng make up artist na si Denise Go-Ochoa at hair stylist na si Jay Wee. Magkatulong naman sina Rainier Dagala at Em Millan para bihisan si Kendra sa mini photoshoot.

Sa comment section naman ng post ay marami ang humangang netizens na nag-iwan ng kanilang komento. At karamihan nga sa kanila ay sinabi na pasok na pasok ang ganda at tangkad ni Kendra bilang future Miss Universe. May nakapansin rin na malaki ang pagkakahawig ni Kendra sa mukha ng Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Photo credits to the owner

Sa isang Instagram post naman ng pageant vlogger na si Adam Genato, ay sinabi nitong malaki ang potensyal ni Kendra na maging Miss Universe.

“DO YOU SEE WHAT I SEE? Pagkagandang bata sobra. At early as now, this little stunner is already showing Miss Universe potential. At 12, she already stands 5’3 tall and has amassed a six-digit Instagram following. Imagine how much more she will grow taller (literally and figuratively) in the near future.”

Photo credits to the owner

Talaga namang napahanga si Adam sa magagandang katangian ni Kendra na pasado para sumabak sa Miss Universe. Ngunit, ngayon nga ay 12 na taong gulang pa lamang si Kendra at anim na taon pa ang hihintayin para malaman kung sasabak nga na ito bilang Miss Universe. Ngayon pa lamang nga ay marami na ang nakaabang sa tatahaking landas ni Kendra, kung siya ba ay magiging isang beauty queen na taglay ang pang-Miss Universe na kagandahan.

error: Content is protected !!