Connect with us

Uncategorized

‘Taasan Mo Ang Standard Mo As A Guy In Their Life’: Michael V, Ibinahagi ang Kanyang Natutunan sa Pagpapalaki ng mga Babaeng Anak

Bilang isang magulang ay ano nga ba ang dapat gawin upang mapalaking maayos at mabuti ang mga anak?

Sa latest vlog ng celebrity mommy na si Bianca Gonzales, ay nakakwentuhan niya tungkol sa pagiging magulang ang isang komedyante at creator, na isa ring mabuti at reponsableng magulang na si Michael V o kilala ng lahat sa pangalang Bitoy.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

Sa loob ng halos 13 minutong pag-uusap ay napuno ito ng makabuluhang bagay patungkol sa values, quality time, at pagiging masinop sa bahay. Mga bagay na mahalaga na magtuturo sa mga magulang kung paano palakihin ng tama ang kanilang mga anak.

At upang tanungin si Bitoy sa kanyang pagiging isang magulang sa kanyang mga anak, ay humingi ng tulong si Bianca sa 3 ina na may katanungan.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

“I asked the help of three moms to ask their parenting questions,”saad ni Bianca.

Una ngang katanungan ay ‘Ang values ba ay itinuturo o nakukuha ng mga bata?’

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

Mahalaga na malaman kung ang values ba ng isang bata ay naituturo, o kaya naman ay nakukuha ng bata sa kanilang kapaligiran. Paano nga ba matututo ang isang bata ng mabuting asal?

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

Sagot naman ni Bitoy, ay pareho umanong naituturo at nakukuha. Pagbibigay halimbawa ni Bitoy, hindi lahat ng itinuro ng kanyang daddy ay natutunan niya, kaya naman kailangan niya umano itong alamin sa kanyang sariling paraan.

Dagdag naman ni Bitoy, ay nakadepende rin ito sa kung anong parenting style ang ginagawa ng mga magulang.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

“Minsan nagwo-work for their parenting style, but not for yourself.”

“I think more than my wife, bihira akong magsalita, pero ‘pag nagsalita, ang haba. Kulang na lang Powerpoint,” biro pa niya. “I have illustrations minsan. When I am trying to tell them something, dino-drawing ko talaga to get the point across more clearly,”paliwanag pa ni Bitoy.

Samantala, ibinahagi rin ni Bianca ang paraan kung paano natututo ng values ang kanyang mga anak. Dahil nga maliliit pa ang kanyang anak, ay mas madali umano sa mga ito ang manggaya, kaysa sa matuto sa pamamagitan ng pakikinig.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

Pangalawa namang katanungan ay patungkol naman sa quality time. Ito nga ay tanong na ‘Bakit mahalaga ang quality time with the kids na wala ang isang magulang?’

Pagbabahagi ni Bianca, ay talagang pinagtuunan nilang mag-asawa na magkaroon ng masayang bonding moments ang kanilang pamilya kasama ang kanilang mga anak. Ngunit, may pagkakataon raw na hindi kasama si Bianca, kung kaya’t ang kanyang asawa lang ang nakakabonding ng kanilang mga anak.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

Sagot naman ni Bitoy ay ginagawa rin niya ito sa kanyang mga anak pero sa kakaibang paraan, kung saan minsan ay kasama niya ang kanyang apat na anak. Ngunit, may tinatawag ring boys night at all girls lang si Bitoy.

Kwento nga ni Bitoy, ang boys night ay kadalasang dinadala niya ang mga anak na lalaki sa barbershop na talaga namang gustong gusto ng mga bata. Samantalang ang mga girls ay binibigyan naman niya ng romantikong dinner. Dahil nga mas nais ng mga girls, ang nilalambing at iniingatan sila.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

“Dapat taasan mo ‘yung standard mo as a guy in their life. Para kapag lumaki sila at nagkaroon ng sariling mga partners, hahanapin nila ‘yung ginagawa mo for them at with them, ‘dun sa future partner nila.”

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

Huling katanungan naman ay ‘Okay lang bang maging magulang na neat freak?

Pag-amin nga ni Bitoy, noon raw na wala pa siyang anak ay neat freak siya. Ngunit, nabago ito ng magkaroon na siya ng mga anak. Dahil natural sa isang bata ang marumihan paminsan-minsan. Dagdag naman ng komedyante, kapag magulo ang bahay dahil sa mga bata, ay dapat mahalaga na turuan rin silang maglinis at magligpit ng kanilang mga kalat.

Photo Credits: Youtube.com | Bianca Gonzales

“It’s fun to be messy at time. Basta you teach them how to clean up, especially if you’re doing something [like] mga crafts.”

“Messy talaga ‘yun, pero at the same time, tinuturuan mo rin sila na after you make that mess, you clean it up,” dagdag pa niya.”

 

error: Content is protected !!