Connect with us

Entertainment

Sweet Pictures ni Jake Cuenca at Kylie Versoza sa Bali Indonesia, Pinakilig ang mga Fans sa Social Media

Published

on

Sa mundo ng show business ay bihira ang magkarelasyon na hindi nalalaman ng publiko, marahil dahil narin sa mga matang laging nakamasid sa kanila o dahil narin sa mga tagahanga ng mga artista na lagi silang sinusubaybayan kahit saan man sila magpunta. Mayroon naman ibang artista na kusang umaamin sa kanilang relasyon sa kapwa man nila artista o sa hindi artista.

Isang halimbawa nalang nga dito ang relasyon nila Jake Cuenca at Kylie Versoza. Nitong nakaraang Setyembre lang ay inamin nila Jake Cuenca at Kylie Versoza ang kanilang relasyon sa publiko kaya naman hindi na nahihiya ang magkasintahan na magbahagi ng mga sweet nilang larawan sa kanilang social media account.



Isa na nga sa mga nakakakilig nilang larawan ay ang ibinahagi ni Jake Cuenca sa kanyang social media account kung saan sila ay naghahalikan ni Kylie. Ang nasabing larawan nila Jake at Kylie ay talaga namang nakakagaw pansin lalo na sa mga netizens na mahilig gumamit ng kanilang social media account.

Nilagyan din ni Jake ng caption ang nasabing larawan ng “It’s not about just staying with each other. It’s about being happy together. From Jake to Kylie”.

Ang mga larawang ibinahagi ni Jake ay mula sa kanilang bakasyon sa Bali at talaga namang nakakakilig ang karamihan dito. Madami pang ibinahagi si Jake na larawan nilang magkasintahan at ang ilang nga dito ay nilagyan niya ng caption na:

“Ain’t letting you go @ kylieversoza”
“Bali”
“Bali with my Favourite”
“On vacation DND”



Sa isang panayam naman kay Kylie Versoza sa isang programa ng ABS CBN na “Magandang Buhay” ay inamin nitong mag 11 buwan na silang magkasintahan ni Jake Cuenca.

Dagdag pa nito na,

“I’ve never been this secure in a relationship. I’ve never been this happy in a relationship. Ang dami na niyang pinagdaanan. I think we’re both in a good place right now”.

Talaga namang napakasweet nila Jake at Kylie abot hanggang Bali, kaya mapapasabi nalang tayo na sila ay “pinagtagpo at itinadhana”.

error: Content is protected !!