Connect with us

Entertainment

Sweet Photos Nina RK Bagatsing at Jane Oineza sa Social Media Para sa Birthday ni RK, Nagpakilig sa mga Netizens

Napuno ng kilig ang mga tagahanga ng aktor na si RK Bagatsing at rumored girlfriend nitong si Jane Oineza. Ito nga ay matapos magbahagi ng sweet photos sa social media ang aktres na si Jane para batiin ang aktor sa kaarawan nito.

Credit:RK Bagatsing | Instagram

Noong ika-9 ng Mayo ng ipagdiwang ni RK ang kanyang ika-33 taong kaarawan. At upang batiin ang aktor ay ibinahagi ni Jane sa kanyang Instagram ang kanilang larawan na magkasama, kung saan ay makikitang nakatingin sila sa isa’t isa at tila nag-eenjoy sa isang date ang dalawa.

Ang nasabing larawan naman, ay mas lalo kinakiligan ng kanilang mga tagahanga, dahil sa sweet na caption ni Jane sa kanyang post na nagsasabing:

“To this amazing person, my source of happiness..Happy Birthday,”na sinamahan pa ng kiss emoji.

Credit:RK Bagatsing | Instagram

Maliban sa natanggap na pagbati para sa masayang pagdiriwang ng kaarawan ng aktor, ay bumuhos rin ang positibo at nakakakilig na komento mula sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Bagama’t, simple lamang ang kanilang larawan, ay hindi nga napigilan ng kanilang mga tagahanga ang kiligin.

At tila nga, ang nasabing post rin ng aktres ang nagsilbing kumpirmasyon sa anumang namumuong pagtitinginan nilang dalawa. Ang kumakalat na espekulasyon sa social media, ay tila naman nabigyan na ng linaw dahil sa sunod-sunod na post ng rumored couple.

Credit:RK Bagatsing | Instagram

At dahil nga, inilarawan ni Jane si RK bilang kanyang “source of happiness”, ay malaking patunay na ito sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Nagtagumpay naman si Jane na pakiligin ang kanyang on-screen partner, at sumagot nga ito ng “Kinilig ako”.

Samantala, unang pinag-usapan na romantically involve ang dalawa sa isa’t isa, matapos maging love team sa unang pagkakataon sa teleseryeng Araw Gabi na napanood sa telebisyon noong 2018 na talagang naghatid ng kilig sa mga manonood. Magmula nga noon, ay inaabangan na ng publiko ang kanilang love team hindi lamang on-screen kundi pati na rin sa tunay na buhay.

Credit: Jane Oineza | Instagram

Mas lalo pang pinag-usapan ang ugnayan nilang dalawa nito lamang Pebrero, matapos kumalat sa social media ang larawan kung saan nakitang magkasama silang nagtungo sa Lake Caliraya sa Laguna.

Matatandaan naman na ang nasabing sweet na pagbati ni Jane kay RK, ay nasundan pa ng isang Tiktok video, kung saan ay nahuli sa akto ang kanilang quick kiss bago sumayaw. At ang nasabing video, ay agad ring nag-viral at umani ng samu’t saring komento mula sa netizens.

Credit: Jane Oineza | Instagram

Sa ngayon nga, ay makikita naman na masaya ang dalawa sa kanilang relasyon, at ang kanilang mga tagahanga rin ay nakasuporta sa kanilang pagmamahalan at masayang pagsasama.

error: Content is protected !!