Connect with us

Inspiring

Super Tekla, Namahagi ng Pera at Pagkain Ngayong Pasko sa mga Taong Nangangailangan Bilang Pasasalamat sa Nakamit na Tagumpay Bilang Youtuber

Tiyak na mapapawi ang lungkot na ating nararamdaman kapag narinig ang nakakatawang mga jokes ng komedyanteng si Tekla o kilala rin bilang si Super Tekla. Sa kanyang mga banat na jokes nga, ay talagang mapapatawa ng malakas.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. Ngunit, sa kabila nito ay hindi nagpatinag ang komedyante, sa halip ay patuloy na bumangon at hinarap ang hamon ng buhay.




Bagama’t, nakaranas nga ng pait at lungkot sa buhay, ay hindi naman ito naging hadlang upang magbigay siya ng saya sa publiko at sa kanyang mga tagahanga. Hindi nga mahahalata sa komedyante na sa bawat tawa at ngiti na masisilayan sa kanyang mukha ay nakatago ang naranasang kalungkutan.

Sa kabila nito, ay patuloy ang pagbibigay niya ng saya sa mga manonood sa telebsiyon. Maliban rito, ay nakakapagbigay kasiyahan rin si Tekla sa mga kanyang mga tagahanga sa kanyang YouTube Channel na mapapanood anumang oras. At dahil nga, talagang may talento sa pagpapatawa ay hindi maikakaila na marami ang sumusubaybay sa kanyang mga nakakaaliw na vlogs.

Dahil dito, ay dumami ang subscriber ni Tekla sa Youtube na umabot ng 100,000 subscribers dahilan upang makatanggap siya ng Silver Play Button na nagsisilbing tropeyo at tagumpay ng mga Youtuber.

Photo credits: Super Tekla Official | Youtube

At upang ipagdiwang ang tagumpay na ito, ay ibinalik ni Tekla ang pasasalamat sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Photo credits: Super Tekla Official | Youtube

Sa latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, tampok ang pamamahagi ng komedyante ng grocery at perang nagkakahalaga ng P500. At ilan sa mga mapalad na nakatanggap ng maagang pamasko ni Tekla ay mga vendor, food rider, security guard at mga pamilyang nakatira sa lansangan.

Photo credits: Super Tekla Official | Youtube

Labis naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap sa munting handog ng komedyante. Ayon naman kay Tekla, ay mula sa sahod niya sa isang raket ang perang ipinangbili ng kanyang mga ipinamahagi sa mga taong nangangailangan.

Photo credits: Super Tekla Official | Youtube

Bagama’t nakaramdam ng pagod si Tekla matapos ipamigay ang kanyang munting pamasko, ay hindi ito alintana ng komedyante. Ito nga ay dahil mas nararamdaman ni Tekla ang saya na dulot ng pasasalamat at ngiti mula sa kanyang mga hinandogan ng tulong.




“Nakakapagod pero worth It at sarap sa pakiramdam na kahit papano, kahit sa konting paraan na pagbibigay natin ng gift sharing, giving back sa ating mga katalsik.”

Tunay nga na napakabuti ng kalooban ni Tekla, sa kanyang simpleng paraan ng pagtulong ay marami siyang napasaya at napangiti ngayong pasko.

error: Content is protected !!