Connect with us

Entertainment

Super Tekla, Naging Emosyunal sa Labis na Kaligayahan sa Muling Pagkikita nila ng Kanyang Anak na si Aira Matapos ang Halos Isang Taong Pagkakawalay

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang komedyante at TV host na si Super Tekla o mas kilala sa tawag na Tekla, dahil matapos ang mahabang panahong hindi pagkikita, sa wakas ay muli na ring nakita at nakasama ng komedyante ang kanyang unica hija na si Aira.




Bilang isa ama nga na matagal na nawalay sa kanyang anak, ay hindi maikakaila ang saya at pagkasabik ni Tekla na muling makita at mayakap ang kanyang anak.

Photo credits: Tekla Official | Youtube

Photo credits: Tekla Official | Youtube

Matagal na hindi nagkita ang mag-ama dahil sa pandemya, kung saan ipinatupad ang paghihigpit sa mga byahe at mahirap rin ang pagkuha ng travel pass. Kaya naman, ngayong lumuwag na at maaari nang makabiyahe, ay hindi pinalampas ni Tekla ang pagkakataon na makasama ang anak bago sumapit ang araw ng pasko.

Photo credits: Tekla Official | Youtube

Sa vlog na mapapanood sa YouTube Channel ni Tekla, ay masaya niyang ibinahagi ang mga kaganapan sa muling pagkikita at masayang bonding nilang mag-ama.

Photo credits: Tekla Official | Youtube

Sa pagsundo ni Tekla sa anak sa airport, ay hindi na maitago ng komedyante ang kanyang saya. At nang makita nga ang anak, ay naging emosyunal ang komedyante kung saan ay isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya rito. Makikita na talagang labis ang kaligayahan ng komedyante nang masilayan ang kanyang unica hija.

Mula naman sa airport, ay agad na nagtungo ang mag-ama sa condo. At dahil nga, ngayon lang muling nagkasama, ay sinulit na ng mag-ama ang pagkakataon upang magkaroon ng masagang bonding.

Photo credits: Tekla Official | Youtube

Kaya naman, dinala ni Tekla ang anak sa isang parlor upang mapaayos ang buhok nito. Ngunit, dahil bata pa si Aira kung saan bawal pa ang ibang treatment ay isang keratin treatment na lamang ang ginawa sa kanyang buhok. Matapos nga nito, ay masisilayan sa unija hija ni Tekla, ang taglay nitong kagandahan. Upang sabayan naman si Aira sa pagpapaganda, ay nagdesisyon naman si Tekla na magpagupit ng kanyang buhok.

Photo credits: Tekla Official | Youtube

Hindi naman natatapos rito ang masayang bonding ng mag-ama, dahil matapos magpaganda at magpagwapo, at nagtungo naman ang mag-ama sa isang masarap na kainan na kanilang inenjoy ng magkasama. Makikita naman na kahit matagal na hindi nagkasama, ay hindi pa rin nawala ang closeness nilang mag-ama.




Ang kanilang muling pagkikita at pagkakasama, ay maituturing na espesyal na araw, lalo na’t magpapasko. Isang napakagandang regalo nga ito para sa mag-ama ngayong pasko, na matapos ang mahabang panahon ay muli silang nagkasama. At hindi naman maikakaila na masisilayan sa mag-ama, ang labis na pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!