Connect with us

Entertainment

Super Tekla, Labis ang Pasasalamat at Kaligayahan Matapos Makamit ang Matagal na Niyang Pangarap na Sariling Bahay

Lahat naman tayo ay pangarap ang magkaroon ng sariling bahay na magiging tahanan kasama ang ating pamilya. Ngunit, hindi ito makakamit kung uupo lamang tayo sa isang tabi. Dahil para nga matupad ang pangarap sa buhay, ay kinakailangang magsumikap sa buhay.

Hindi man madali ang daan patungo sa pag-abot ng mga pangarap, ay tiyak namang makakamit ito balang-araw kung magiging matiyaga at hindi susuko na makamit ang mga pangarap.




Katulad na lamang nga ng TV host at komedyanteng si Super Tekla o Tekla, na hindi biro ang pinagdaanan sa buhay noon, ngunit sa kabila nito ay naging matatag sa buhay at hindi sumuko sa pag-abot ng kanyang pangarap. At ngayon nga, matapos ang pait na naranasan sa buhay dahil sa mga pagsubok na kinaharap, ay natupad na ni Tekla ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Hindi naman talaga maikakaila ang kasipagan at pagsusumikap ni Tekla sa trabaho. Isabay pa rito ang kanyang pagiging vlogger, kasama ang ka-tandem niya na si Donita Nose. Kaya naman, agad na nakamit ni Tekla ang pangarap niyang bahay.

Photo credits: Donekla | Youtube

Photo credits: Donekla | Youtube

Photo credits: Donekla | Youtube

Photo credits: Donekla | Youtube

At sa latest vlog ng “Donekla in Tandem”, ay ipinasilip ni Tekla at Donita ang bagong bahay ni Tekla. Sa ngayon nga, ay wala pang kagamitang makikita sa loob ng bahay ni Tekla. Ngunit, makikita na malawak ang espasyo ng nabiling bahay ni Tekla. May mga bakante ring espasyo na nais gawing extension ni Tekla upang magamit.

Photo credits: Donekla | Youtube

Photo credits: Donekla | Youtube

Photo credits: Donekla | Youtube




Photo credits: Donekla | Youtube

Ngayon palang nga, ay marami nang naiisip na plano si Tekla para sa disenyo ng kanyang bagong bahay. At siyempre, hindi rin mawawala ang silid para sa kanyang unica hija na si Aira. Tiyak na magiging masaya at komportable rin ang paninirahan ng pamilya ni Tekla sa kanilang bagong bahay.

Photo credits: Donekla | Youtube

Samantala, ang bagong bahay ng komedyante ay kalapit lamang ng nabiling bahay ng matalik niyang kaibigan na si Donita Nose, na nasa kabilang kanto lamang at walong bahay lamang ang pagitan ng kanilang bahay. Talaga nga namang magkadikit na magkadikit ang matalik na magkaibigan na si na Tekla at Donita kahit sa pagbili ng bahay. Tila nga hindi na mapaghihiwalay pa ang kanilang tandem, kahit sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Photo credits: Donekla | Youtube

Ngayon nga na may sariling bahay na si Tekla, ay halos hindi parin siya makapaniwala. Kaya naman, labis ang kanyang pasasalamat at kaligayahan dahil ang matagal na niyang pangarap na bahay, ngayon nga ay natupad na. Maging si Donita nga, ay masayang-masaya rin para sa kanyang kaibigan.

Tunay nga, na walang imposible sa pag-abot ng pangarap kung ito ay pagtatrabahuan at pagsisikapan.

error: Content is protected !!