Connect with us

Entertainment

Super Tekla, Ipinasilip ang Panandalian Ngunit Masayang Bakasyon sa Beach Kasama ang Kanyang Anak na si Aira

Napakaimportante naman talagang magkaroon ng oras sa piling ng mga mahal sa buhay, kahit gaano pa karami ang pinagkakaabalahang mga bagay. Malaking tulong nga ang isang bakasyon upang makapagpahinga ang katawan, at makapag-relax ang isipan kasama ang mga taong malalapit sa ating puso. At ngayong summer season nga, ay talagang kaliwa’t kanan ang getaway ng mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz, upang mag-enjoy at magrelax.

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

Katulad na lamang nga ng komedyanteng si Super Tekla, na sinulit ang panahong bakante ang kanyang schedule sa trabaho upang makasama ang kanyang unica hija na si Aira sa isang bakasyon. Isa nga itong magandang pagkakataon upang mag-enjoy at makapag-bonding silang mag-ama, matapos mawalay sa isa’t isa ng mahabang panahon noon.

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

“Importante po mga ka-Talsik na minsan, hindi naman natin kailangan gumastos ng bongga para mag-enjoy, mag-relax at umiwas sa stress. So this is the perfect getaway, it’s a perfect summer with Aira.”

At dahil nga, summer na summer na kung saan ramdam ang mainit na panahon, ay napakasarap naman talagang mag-swimming sa beach. Kaya naman, para sulitin ang kanilang bakasyon ay nagtungo sila sa resort na Searenity Suites sa San Isidro, Cabangan na matatagpuan sa Zambales.

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

Sa pagdating sa lugar ng kanilang bakasyon ay makikita kung gaano ka-enjoy ang mag-ama sa kanilang masayang bonding moments. Sa ikalawang araw naman ay inilibot ni Tekla ang kanyang mga ka-Talsik sa lugar na kanilang tinutuluyan.

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

Makikita nga ang napakagandang view mula sa kanilang kinaroroonan. Paglabas sa silid na kanilang tinutuluyan, ay bubungad ang infinity pool kung saan ay napapalibutan ng mga cottages. Makapigil-hininga naman ang masisilayang view na hatid ng malawak na karagatan. Mas lalo naman itong pinaganda ng pinong buhangimg tinatakay ng alon. Pagsapit naman ng dapit-hapon ay kitang-kita naman ang napakagandang view na hatid ng sunset.

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

May pasilip rin si Tekla sa dining area ng resort kung saan makikita ang katabi nitong billiards na pwede ring maging libangan nila habang nasa bakasyon.

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

Nag-enjoy rin ang mag-ama sa kanilang bonding moments pagsapit ng gabi habang nagswi-swimming sa pool.

Photo Credits: Youtube.com | Super Tekla

Mas lalo namang naenjoy nina Tekla at Aira ang kanilang bakasyon ngayong summer dahil kasama rin nila ang katandem ng komedyante na si Donita Nose at kaibigan nilang si Tart Carlos.

Isa na naman ngang masayang alaala ang nabuo nina Tekla at Aira sa kanilang panandalian ngunit masayang bakasyon sa beach. At ang sayang hatid nito sa kanila sa mga sandaling sila’y magkasama, ay hindi matutumbasan ng anumang bagay.

 

error: Content is protected !!