Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz, Pinahanga ang mga Netizens sa Kanyang New Hairstyle Kung Saan Looking Young At Fresh na Fresh ang Kanyang Awra

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na isa ang aktres na si Sunshine Cruz sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Kahit nga may tatlong anak na pawang mga dalaga na ngayon, ay hindi maikakaila ang taglay na kagandahan at kaseksihan ni Sunshine na animo’y kapatid lamang ng kanyang mga anak.

At nito lamang ika-12 ng Nobyembre, ay muling pinatunayan ni Sunshine ang kanyang natatanging kagandahan. Ito nga ay matapos niyang ibahagi ang kanyang larawan kung saan masisilayan ang kanyang new look. Agad na dinagsa ng komentong puno ng paghanga at papuri ang kanyang napakagandang larawan.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Sunshine ang kanyang new hairstyle na kung saan nga mula sa kanyang mahabang buhok, ay pinaikli ito ng aktres at nagpalagay rin siya ng bangs. Kung pagmamasdan nga, ay bagay na bagay ang kanyang bangs sa maliit niyang mukha. Tila nga bumata ang aktres sa kanyang new hairstyle at fresh na fresh ang kanyang awra.

Nilakipan naman niya ito ng caption na nagsasabing:

“Great things never came from comfort zones. Sometimes, change is good.”

Sa caption rin ng kanyang post, ay pinasalamatan ng aktres ang hairstylist na si Marivic Peña para sa kanyang new look.

Magmula naman ng pumasok si Sunshine sa showbiz noong dekada 90, ay ito naman ang unang beses na nasilayan nang publiko na nagpagupit siya maikling buhok.

Hindi naman talaga maitatanggi na bagay na bagay kay Sunshine ang kanyang new hairstyle, na kung saan nga ay looking young at fresh na fresh. Kaya naman, marami sa mga netizens ang nag-iwan ng komento na puno ng paghanga sa kanyang larawan.

“5 years younger,” sabi ng isang netizen.

“Fresh and young looking. Bagay sa ‘yo Ms. Shine,” ani naman ng isa pang fan.”

May mga kaibigan rin showbiz ang aktres na nagpaabot ng kanilang paghanga sa kanyang new look.

OMG, Ms. Shine!!! Super bagay!!!” sabi ni Sue Ramirez.

“Amen, very beautiful,” sabi naman ni Melai Cantiveros.
“Wow!!! New look Shine… Love it,” dagdag ni Almira Muhlach.

Humanga rin ang iba pang celebrities kagaya nina Ruffa Gutierrez, Teresa Loyzaga, Jackie Forster, Donna Cruz, at Jen Sevilla sa kanyang new look.

May ilang netizens namang inahalintulad ang new look ni Sunshine kay Tokyo ng sikat na Netflix series na Money Heist na inakalang wig lamang ang buhok ng aktres. May nagsabi ring kahawig ni Sunshine si Lisa ng Korean girl group na BLACKPINK.

“Wig lang ba yan Sunshine? Para kang si Tokyo ng Money Heist,” komento ng isang netizen.

“Biglang tingin akala ko si Lisa ng [BLACKPINK]. Ang ganda for a change look bumagay sa inyo. Love it,” sabi naman ng isa pang netizen.

error: Content is protected !!