Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz Nilinaw Kung Bakit Apelyidong Cruz Ang Ginamit Ng Mga Anak: Tatlong ‘Cruz Sister’ Pumayag

Published

on

Sa panahon ngayon kung sinuman ang nagnanais na makapasok sa industriya ng showbiz isang malaking bentahe ang magkaroon ng kakaibang pangalan. Masasabing sa pangalan pa lamang ng nagnanais na maging artista maihahatid na siya nito sa minimithing pangarap.



Samantala nilinaw ng aktres na si Sunshine Cruz kung bakit ang mga anak na si Angelina Samantha at Chesca ay taglay ang Cruz na apelyido sa pagpasok nila sa showbiz at ito ang walang kagatol-gatol niyang paliwanag sa isang panayam sa kanya,

“Huwag kayong magagalit sa akin. Desisyon yan ni Arnold Vegafria(talent manager ng ‘Cruz Sister’).

At ayon pa nga sa “Hiwaga ng Kambat” actress kaya ‘Cruz’ ang ginamit ng mga anak na screen name at hindi ang sa amang si Cesar Montano dahil na rin sa singing career na nais pasukin ng mga babaeng anak,

“Kasi nga yung careers nila(Angelina, Samantha at Chesca), they’re more into singing”, salaysay pa ni Sunshine.

At ayon pa kay Sunshine isang dahilan din ay ang iniwang tatak ng mga “Cruzes” sa larangan ng pag-awit,

“We all know that Cruzes are mga musicians talaga. So diba pag Cruz, like si Donna Cruz, Yraztorza yan before, pero she also used Cruz. So pag musician kasi, it’s an advantage for them as musicians”.



Sa kabilang banda, pumayag din ang mga aspiring singing artist na magkakapatid sa pag-adopt ng screen name na Cruz kung makakatulong ito sa kanilang mga career,
At ayon pa nga sa panganay na si Angelina,

“For me, that’s why almost every celebrity has a stage name, it’s a screen name, it’s just for the screen, it’s not the real name – I trust my mom, I trust my manager on it”.

Sumang-ayon din ang 15 taong gulang na si Samantha sa paggamit ng Cruz,

“I feel that a screen name could actually help ‘cause I feel, like, everyone usually has one. And since our name is Cruz, like Tita Donna, –Cruzes are musically inclined, so I feel that it could help us, but it’s not our real name”, sabi pa niya.

Sa kabilang banda payag din ang bunsong si Franchesca sa ideyang ito,

“Like they said we still have Montano as our name” – We could also benefit from it, like what our mom and my sisters mentioned earlier, the Cruzes are known to be musical, and since we all wanna take the musical path in life” pagbabahagi pa ni Chesca.



Sinabi naman ni Arnold manager ng ‘Cruz’ sisters, na may pahintulot ng kanilang amang si Cesar Montano ang paggamit ng screen name na cruz at hindi naman mababago na mga anak niya ito,

“Nagkita kami sa Las Vegas – Sabi niya, ‘it’s Ok anak ko pa rin yan, dugo ko pa rin yan, screen name lang naman yon eh’ banggit pa ni Arnold sa isang panayam.

Totoong hindi lang sa larangan ng pag-awit kilala ang pangalang Cruz dahil maging sa industriya ng showbiz ay bantog din ang kanilang pangalan. Ilan nga sa mga kilalang Cruz ay sina Sheryl Cruz at Donna Cruz na kilalang mga mang-aawit ganoon din ang multi awarded na aktor na si Tirso Cruz III.

error: Content is protected !!