Connect with us

Uncategorized

Sunshine Cruz, Labis na Ipinagpapasalamat ang Pagdating sa Kanyang Buhay ng Kanyang Partner na si Macky Mathay at 3 Nitong Anak

Puno ng saya at kulay ang buhay pag-ibig ngayon ng singer-actress na si Sunshine Cruz sa piling ng kanyang partner na si Macky Mathay. Matapos nga ang natamong kabiguan ng puso sa kanyang dating asawang si Cesar Montano, ay tila natagpuan na nga ni Sunshine ang inaasam na kaligayahan sa katauhan ni Macky.

Credits: Sunshine Cruz | IG

Ang masaya at matamis na pagmamahalan nina Sunshine at Macky matapos malampasan ang mga pagsubok na kaakibat ng kanilang relasyon, ngayon nga ay limang taon nang patuloy na minamahal ang isa’t isa.

Nito lamang ika-18 ng Setyembre nang ipagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-5 taong pagsasama. Ngunit, bago pa man sumapit ang araw ng kanilang anibersaryo, gabi pa lang ng ika-17 ng Setyembre ay agad nang ipinaabot ni Sunshine ang kanyang sweet at nakakaantig na mensahe para sa kanyang partner.

Credits: Sunshine Cruz | IG

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Sunshine ang kanilang larawan ni Macky kasama ang kanilang mga anak. Bago pa man maging sina Sunshine at Macky, ay may tatlong anak rin si Macky sa kanyang naunang naging karelasyon. Ngunit, sa kabila nga nito, ay hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang kanilang mga naging nakaraan. At ang mga anak nila sa kanilang mga naging karelasyon ay mas lalo pang nagbigay saya at kulay sa kanilang pagsasama.

Kaya naman, sa caption ng kanyang post, ay ganun na lamang nga ang pasasalamat ni Sunshine dahil pinagkalooban siya ng isang napakabuti, responsable at mapagmahal na partner sa katauhan ni Macky, at dagdagan pa tatlong anghel.

“5 years! I wasn’t just blessed with a supportive and loving partner but I also gained three additional angels.”

Credits: Sunshine Cruz | IG

Labis rin ang pasasalamat ni Sunshine kay Macky dahil sa pag-aalaga nito sa kanya pati narin sa tatlo niyang anak na babae. Ayon pa nga kay Sunshine, ay si Macky rin ang nagsisilbi niyang inspirasyon para maging isang mabuting tao.

“Thank you for being supportive and caring to me and the girls.Thank you for being one of my inspirations to always try to be a better version of myself. Thank you for always believing in me.”

Ipinahayag nga ni Sunshine sa huling bahagi ng kanyang post kung gaano siyang nagpapasalamat kay Macky at sa mga anak nito sa pagdating sa buhay niya.

“I am truly grateful for you, Ro, Cole and Charlie. You guys are a blessing to me, Angelina, Sam and Chesca. Happy 5th Anniversary to us my Macky! I love you! We love you!”

Credits: Sunshine Cruz | IG

Dahil nga sa magandang samahan nina Sunshine at Macky, pati na rin ng kani-kanilang mga anak, ay tila isa silang malaking pamilya na puno ng saya at pagmamahalan.

Nagpaabot naman ng pagbati ang tatlong anak ni Sunshine na sina Sam, Angelina, at Chesca na masayang makita ang kasiyahan ng kanilang ina. Ilan rin sa mga kaibigan ni Sunshine sa showbiz ang bumati sa kanila ni Macky para sa kanilang 5th anniversary katulad na lamang nga nina Vina Morales, Karla Estrada, Nikki Valdez, Arlene Muhlach, Ara Mina, at Teresa Loyzaga.

error: Content is protected !!