Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz, Labis ang Pasasalamat sa Boyfriend Niyang Si Macky Mathay Dahil sa Labis na Pagmamahal Nito sa Kanya at Pati na sa Tatlo Niyang Dalagang Anak

Noong nakaraang Father’s Day ay nagbahagi ang aktres na si Sunshine Cruz ng isang nakakaantig na mensahe para sa kanyang boyfriend ngayon na si Macky Mathay. Ibinahagi nga niya sa kanyang mensahe kung gaano siya nagpapasalamat sa naging pagdating nito sa kanyang buhay, at sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya lalo na sa tatlong mga anak niyang dalaga.

“My Macky! Happy Father’s Day! I don’t know if thanking you is enough for the love and support you’ve been giving not just to me and to your children but to my three girls and pur dogs as well. Mag-aapat na taon na! [red heart emoji] Napakabuti mong tao”, saad ni Sunshine.

Photo credits: Sunshine Cruz | IG

Ayon pa nga sa aktres, ‘best figure father’ si Macky sa kanyang tatlong anak na babae, at talaga namang napakabuti nitong tao, kaya naman nagpapasalamat siya sa pagdating nito sa kanyang buhay.

“Punong-puno ka ng pagmamahal and because of that, umaapaw ang pagmamahal na yan at iyo ding naibabahagi sa mga tao na nakakasama mo maliban sa pamilya mo.”

“I couldn’t ask for more because my children are blessd to have the BEST father figure they could have. We are all blessed to be loved by you.”

“I am truly grateful to God for sending someone like you in our lives. Salamat dahil tinanggap at minahal mo din kami ng mga anak ko”, dagdag na saad nga ni Sunshine.

Pagbabahagi pa ni Sunshine maliban sa pagiging isang mabuting tao at mapagmahal na partner, ay isa rin responsable at napakabuting ama ni Macky sa sarili nitong mga anak.

“Happy Fathers’s Day. Napakabuti mong ama kina Charlie, Roan and Colin and again thank you for loving Angelina, Sam and Chesca too. May God bless you more! We love you my Macky! [red herart emoji] #fathersday2020”

Pagdating nga sa buhay pag-ibig, ay isa ang aktres na si Sunshine Cruz sa may masaya at makulay na lovelife ngayon, at ito nga ay sa piling ng businessman niyang boyfriend na si Macky Mathay.

Nagkakilala sina Sunshine at Macky dahil sa aktres na si Ara Mina, sapagkat si Macky nga ay half-brother ni Ara.

Para sa kaalaman ng lahat, parehong nagkaroon ng kani-kanilang past relationship sina Sunshine at Macky, kung saan ay pareho rin itong nauwi sa hiwalayan. Parehong tatlo ang anak ng dalawa sa mga dati nilang asawa, at hind inga ito naging hadlang upang sila ay magkamabutihan at magkahulugan ng loob ng magtagpo ang kanlang mga landas.

Matatandaan na naging asawa noon ni Sunshine Cruz ang aktor na si Cesar Montano at ang pagsasama nga nila ay nabiyayaan ng tatlong mga anak na babae na ngayon ay puro dalaga na, ito ng ay sina Angelina, Samantha at Cheska. Dati namang kasal si Macky kay Camille Farinas, at mayroon din siyang tatlong anak sa dating asawa, at ito naman ay sina Roan, Coline, at Charlize.

error: Content is protected !!