Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz, Ipinagtanggol ang Kanyang Partner na si Macky Mathay Mula sa Basher na Tinawag itong “Kalbo”

Mahigit tatlong taon nang hiwalay ang aktres na si Sunshine Cruz sa dating asawa na si Ceasar Montano, magmula nang makilala niya ang taong muling nagpatibok sa kanyang puso, at magbibigay ng saya.




Sa katauhan nga ng partner ngayon ni Sunshine na si Macky Mathay, ay makikita na masayang-masaya ngayon ang aktres sa buhay niya. Ito na rin ang tumatayong ama sa tatlong dalagang anak ni Sunshine, na hindi maikakaila na kung gaano nito kamahal ang aktres, ay ganun rin nito kamahal ang mga anak.

Photo credits: Sunshine Cruz | Instagram

Dahil nga, isang mapagmahal at mabuting tao si Macky, ay hindi naman maitatanggi na mahal na mahal ito ni Sunshine. Kaya naman, hindi na nakapagpigil pa ang aktres na sagutin ang basher na tinawag na “kalbo” ang kanyang partner.

Sa pagsalubong ng bagong taon, ay kasama si Sunshine ang kanyang mga anak at ilang mahal sa buhay. Kabilang na nga rito si Macky, na hindi nawala sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account.

Masayang ibinahagi ni Sunshine sa Instagram ang kuha ng mga larawan sa naging pagdiriwang ng bagong taon. Kalakip naman ng mga larawan, ay ang mensahe ng pagbati ng aktres sa kanyang mga tagahanga. Ngunit, ayon naman rito kung sa tingin ng ilan ay offensive ang kanyang post, ay maaari umano siyang iunfollow.

Photo credits: Sunshine Cruz | Instagram

“Happy New Year guys! I share my photos pampa good vibes. If you find my posts offensive you can unfollow or just ignore it.”

Samantala, nagbigay naman si Sunshine ng mensahe para sa mga basher. Ayon nga sa aktres, dahil nga 2021 na ay dapat raw na magbago na ang mga ito upang maging mabuting tao.

Photo credits: Sunshine Cruz | Instagram

“2021 na po. Let’s try to be better people. Artista po ako pero hindi po ibig sabihin may karapatan ang iba na bastusin ako o kami dahil wala naman po akong ginagawang masama sa kapwa ko.”




Ngunit, kahit pa bagong taon, ay hindi pinalampas ni Sunshine ay isang basher na may hindi magandang sinabi patungkol sa kanyang partner na si Macky.

“Kaya pala nag hiwalay kayo ni Cesar Montano dahil pala nyan ni kalbo dako man gud guro na bunal,” pahayag ng basher.

Photo credits: Sunshine Cruz | Instagram

Ipinagtanggol nga ni Sunshine si Macky mula sa basher na tinawag itong “kalbo”. Pahayag nga ni Sunshine, ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang pamilya hindi para bastusin lamang ng sinuman. Nilinaw rin ng aktres na matagal na silang hiwalay ni Ceasar bago pa man niya nakilala si Macky.

“I share my photos hindi para bastusin mo lang. 3 taon na kaming hiwalay ni Cesar nang makilala ko si Macky. Opo kalbo siya pero palagay ko mas edukado at gwapo siya sa’yo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”

error: Content is protected !!