Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz, Inaral ang Isang Kanta Upang Gawing Regalo Para sa Kaarawan ng Kanyang Boyfriend na si Macky Mathay

Matagal ng hiwalay ang sexy mommy at aktres na si Sunshine Cruz sa dati nitong asawa na si Cesar Montano. Nagkaroon ng tatlong babaeng anak ang dating mag-asawa, na ngayon nga ay mga dalaga na. Hindi naman nagtagal ay muling nakatagpo ng bagong pag-ibig si Sunshine sa katauhan ni Macky Mathay, na half-brother ni Ara Mina.

Si Macky na nga ang tumatayong ama sa mga anak ni Sunshine na talaga namang makikita ang pagmamahal nito sa mga anak ng aktres. At ngayon nga, ay apat na taon nang magkarelasyon sina Sunshine at Macky na kung saan ay hindi maikakaila na natagpuan ang pag-ibig na hinahangad sa isa’t isa.




At kamakailan nga, ay ipinaramdam ni Sunshine ang pagmamahal sa kanyang nobyong si Macky matapos nitong maghandog ng isang regalo sa pagdiriwang ng kaarawan nito. Nito lamang ika-10 ng Oktubre, nang masayang ipagdiwang ni Macky ang kanyang ika-41st birthday.

Ngunit, sa pagkakataong ito ay wala sa tabi ni Macky si Sunshine upang magkasamang ipagdiwang ang espesyal na araw ng kanyang kaarawan. Ito nga ay dahil nakalock-in ang aktres sa set para sa taping ng Bagong Umaga series ng ABS-CBN. Hindi naman ito naging hadlang upang magkaroon ng masayang kaarawan si Macky, sapagkat may inihandang regalo ang aktres para sa kanyang nobyo.

Sa Instagram ni Sunshine, ay masaya niyang ibinahagi ang mensahe ng pagbati para sa kaarawan ng kanyang kasintahan. At ayon nga sa aktres, bagama’t wala siya sa mismong araw ng kaarawan ng nobyo, ay naghanda siya isang regalo para rito. Ito nga ay isang kanta na tiyak na magugustuhan ni Macky, dahil inaral pa ito ni Sunshine.

“Happy Birthday my Macky! Sorry I can’t be with you today but we will celebrate soon! I prepared a simple gift for you. I know you love this song and gusto mong kantahin ko ito that is why inaral ko especially for you. Sana magustuhan mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718) on

Ang nasabing kanta ay ang sikat na classic love song na “Bakit Ba Ganyan” na inawit ni Dina Bonnevie at isinulat naman ni Vic Sotto.




Sa huling mensahe naman ni Sunshine sa kanyang post, mababakas ang kanyang labis na pagmamahal sa nobyo. Na ayon pa sa aktres, ay napakapalad niya sa pagkakaroon ng taong katulad ni Macky sa buhay niya.

“Happy 41st Birthday Macky! Know that you are loved and appreciated. I am truly blessed to have someone like you in my life. I love you!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718) on

error: Content is protected !!