Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz, Ibinahagi Ang Mapait Na Sinapit Mula Sa Kamay Ng Kanyang Dating Asawa Na Si Cesar Montano

Ang singer at aktres na si Sunshine Cruz ay masayang namumuhay ngayon kapiling ang kanyang partner na si Macky Mathay at tatlo niyang anak sa kanyang dating asawang si Cesar Montano.

Photo credits to the owner

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami bago tuluyang makamit ni Sunshine ang walang kapantay na kaligayahan sa piling ni Macky, ay isang mapait na karanasan pala ang naranasan ng aktres sa piling ng kanyang dating asawa na si Cesar Montano. At kamakailan nga, ay hindi nagdalawang isip si Sunshine na ibahagi ito sa publiko.

Matatandaan na ikinasal sina Sunshine at Cesar noong September 14, 2000. Nang mga sandaling iyon ay 24 taong gulang lamang si Sunshine habang si Cesar naman ay 38 na ang edad. Sa kabila ng agwat ng kanilang edad, ay ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan kahit pa hindi boto kay Cesar ang ama ni Sunshine dahil sa sa pagiging babaero ng aktor.

Photo credits to the owner

Dahil nga umaasa si Sunshine na darating ang panahon na magbabago ang kanyang asawa lalo na nga’t sinabi ni Cesar na siya nga raw ang babaeng makakapagbago rito, ay hindi nagdalawang isip na magpakasal si Sunshine at naging matatag sa abot ng kanyang makakaya para tumagal ang kanilang pagsasama.

“And, ang sabi niya sa papa ko, ‘E, sir, pasensiya na ho kayo kung yung anak niyo ho yung magiging way para ho magbago ako. So, di ba ganun, na may thinking naman talaga yung mga girls na, ‘Maybe ako na yung makakapagpabago sa kanya,”saad ni Sunshine.

Photo credits to the owner

Ang kanilang engrandeng kasal na naganap sa beach side ng Manila Bay, ay sinundan nang kanilang honeymoon. Ngunit, ikinagulat ng marami ang naging rebelasyon ni Sunshine. Ayon sa aktres, sa mismong araw ng kanilang honeymoon ay nag-away sila ni Cesar, at umabot pa sa puntong itinapon pa raw ni Cesar ang kanilang wedding ring.

“Masakit man aminin, pero honeymoon pa lang. Tinapon niya yung wedding ring namin sa ano, nung nag-Carribean cruise kami,” sabi ni Sunshine.

Maliban nga dito, ay pilit rin daw siyang pinapaamin ni Cesar na totoo ang mga naging intimate scenes na kanyang ginawa sa mga pelikula. At ang kanyang pagiging seksi aktres na gumagawa ng mga seksing pelikula ay naging isyu pa raw kay Cesar sa araw mismo ng kanilang honeymoon.

Photo credits to the owner

Ang buong akala ni Sunshine ay isang mala-fairytale na kwento ang naghihintay sa kanila ni Cesar kapag nagkaroon na sila ng anak. Ngunit, kahit umabot na sa tatlo ang kanilang anak, ay dumating na talaga sa puntong nahihirapan na si Sunshine dahil hindi niya nakitaan ng kahit katiting na pagbabago ang kanyang dating asawa.

Sa kanilang pagsasama ay nadiskubre rin ni Sunshine ang pagiging mainitin ng ulo at magulong tao ni Cesar. Sa kabila ito ay pinanghawakan parin ni Sunshine ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak na mabigyan ng isang buo at masayang pamilya. Inamin rin ni Sunshine na sa loob ng 13 taong pagsasama ay ilang ulit siyang umalis ng kanilang bahay kasama ang kanyang tatlong anak dahil sa madalas na pag-aaway nila ni Cesar. Pag-amin pa nga ng aktres, ay talagang mahal na mahal niya si Cesar kaya hindi niya ito magawang iwan.

Photo credits to the owner

Ngunit, tila nga may hangganan ang lahat dahil matapos nga ang 13 taong pagtitiis sa piling ni Cesar ay tuluyan nang sumuko at bumitaw si Sunshine sa kanilang relasyon. Ito nga ay matapos niyang madiskubre na madiskubre na may iba itong babae. Si Krista Miller na naging leading lady ni Cesar sa isang pelikula. Maliban kay Krista, ay may iba pang naging babae si Cesar. Isa na rito ang Brazilian model na si Mariana del Rio, 16-years old.

Photo credits to the owner

Hindi lamang pangbabae ang naranasan ni Sunshine kay Cesar, dahil umabot rin sa puntong sinasaktan siya ng aktor. Kaya naman, nagsampa siya ng kaso laban sa kanyang asawa. Hindi naman matatawaran ang kaligayahan na nadama ni Sunshine nang makamit niya ang kalayaan na matagal na niyang inaasam matapos mapawalang bisa ang kasal nila noong September 2018.

“Sa sobrang saya ko ngayon, lahat ng kaaway ko, kahit yung mga may utang sa akin, patatawarin ko! Ngayong araw lang, ha!”

“Annulled na ako! Napasigaw talaga ako nung nalaman ko. Yung malakas na sigaw, dinig hanggang baba! Nagulat buong bahay!”pahayag ni Sunshine.

error: Content is protected !!