Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz, Ibinahagi ang Mapait Na Karanasan Na Kanyang Sinapit Mula Sa Dating Asawa Na Si Cesar Montano

Dekada 90 pa lamang ay tinitingala na ng publiko ang aktres na si Sunshine Cruz. Hindi naman na ito maikakaila dahil sa taglay na kagandahan ng aktres. Tila nga isang dyosa ng kagandahan si Sunshine, na talagang angat sa marami lalo na nga’t taglay rin niya ang isang magandang hubog ng katawan. Idagdag pa rito ang kanyang talento bilang isang mahusay na singer at aktres.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng publiko ang magandang aktres na ngayo’y 44 taong gulang na, ay may hindi pala magandang karanasan mula sa kanyang dating asawang si Cesar Montano. Sa edad na 24 taong gulang ay nagpakasal si Sunshine kay Cesar noong taong 2000. Nang mga panahon na iyon, ay 39 taong gulang na ang aktor. Bagama’t, malaki ang agwat ng kanilang mga edad, ay hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan at nauwi nga sa kasalan.

Sa kabilang banda, ayon naman kay Sunshine una pa lang ay tutol na sa kanilang relasyon ang kanyang ama dahil marami umano ang nagsasabi na babaero si Cesar. Ngunit, hindi nakinig si Sunshine sa dikta ng kanyang ama bagkus ay ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan dahil naniniwala siyang mahal siya ng aktor. At umaasa rin si Sunshine na magagawa niyang mapabago si Cesar kapag naging asawa na niya ito.

Dahil nga, kinausap pa raw ni Cesar ang kanyang ama, at sinabi na si Sunshine na nga raw ang dahilan upang tuluyang magbago, kaya naman wala nang nagawa pa ang ama ng aktres. Sa kabila naman ng malaking agwat ng kanilang edad, ay malaki naman ang paniniwala ni Sunshine na magtatagal ang kanilang relasyon, at tutuparin nila sa isa’t isa ang kanilang sumpaan sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa.

Ngunit, ang lahat ng ito’y isang mapait na kahapon ang hatid kay Sunshine. Masakit mang tanggapin, ang kanilang nabuong pamilya ay nawasak dahil sa kagagawan ni Cesar. Kwento pa nga ni Sunshine, nasa honeymoon pa lamang sila ni Cesar ay mapait na karanasan na agad ang kanyang natikman matapos umanong itapon mismo ng aktor ang kanilang wedding ring sa kanyang harapan.

Minsan na rin raw na ipinipilit ng aktor na gawing makatotohanan ang mga scenes sa ilan niyang mga pelikula, ngunit mariin itong itinatanggi ng aktres. Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay nagbunga naman ng tatlong magagandang anak na babae ang kanilang pagsasama. Ito ay sina Angelina Isabelle, Angel Franscheska, at Samantha Angeline.

Dahil nga nakabuo na rin sila ng kanilang sariling pamilya, inakala naman ni Sunshine na magbabago na si Cesar. Ngunit, ang pinakamasakit para sa aktres ay ang matuklasan ang mga pambabae nito. Matatandaan nga na marami na ang nalink na babae kay Cesar, at isa na nga rito ang 16 taong gulang na si Mariana Del Rio. Nasundan pa ito ng paglantad ng pangalan ni Krista Miller na isa rin sa mga naging karelasyon diumano ng aktor.

Tila lahat naman ng masakit at mapait na karanasan na sinapit ni Sunshine sa kanyang dating asawa na si Cesar ay may katapusan. At matapos nga ng halos 13 taong pagtitiis sa piling ng kanyang dating asawa, noong 2013 ay matagumpay na nakamit ni Sunshine ang kalayaan matapos maanulled ang kanilang kasal.

Sa ngayon, ay masaya na si Sunshine sa piling ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay na mahal na mahal siya pati na rin ang kanyang tatlong anak na pawang dalaga na ngayon.

error: Content is protected !!