Connect with us

Entertainment

‘Sunday Family Day’, Kapuso Actor na Si Rodjun Cruz Ibinida sa Kanyang IG Post ang ‘Precious Photos’ Nila ng Kanyang Pamilya

Sa kabila ng pagiging abala ng isang indibidwal sa kanyang buhay, ay tunay namang mahalaga pa rin na hindi mawalan ng panahon o oras upang makasama o maka-bonding ang ating pamilya. Iba nga naman ang dulot na kasiyahan kapag nakakasama natin ang ating kapamilya sa isang simpleng salo-salo man lang, at doon ay atin silang nakakakuwentuhan patungkol sa mga buhay buhay ng bawat isa.

Photo Credits: Rodjun Cruz| IG

Ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz ay isa sa mga personalidad sa mundo ng showbiz na abala sa kanyang pagtatrabaho. Ngunit sa kabila ng pagiging abala niya ay sinisugarado niyang may mailalaan pa rin siyang oras at panahon sa kanyang pamilya, lalo na sa mag-ina niyang sina Dianne Medina at Baby Joaquin.

Photo Credits: Rodjun Cruz| IG

Kilala bilang isang mahusay na dancer, aktor at singer sa Philippine Entertaiment industry si Rodjun, at maging ang misis niyang si Dianne ay isa ring aktres at host sa nasabing industriya. Ang anak naman nilang mag-asawa na si Baby Joaquin, ay isa sa mga celebrity baby ngayon na kinagigiliwan ng maraming netizens.

Photo Credits: Rodjun Cruz| IG

May kapatid din na aktor si Rodjun, at ito ay si Rayver Cruz, na isa ring mahusay na mananayaw.
Nito lamang nakaraan ay marami ang natuwa sa aktor na mga followers niya sa Instagram, ito ay matapos niyang ibida sa kanyang latest Instagram post ang mga larawan nila ng kanyang pamilya.

Photo Credits: Rodjun Cruz| IG

Makikita sa naturang larawan na tila nagkaroon ng masaya at sulit na sandali si Rodjun kasama ang kanyang pamilya. Sa nasabing larawan ay kasama ng Kapuso actor ang asawa niyang si Dianne, anak nilang si Baby Joaquin, at maging ang kapatid niyang sina Rayver Cruz [isa ring aktor] at si Omar Cruz.

Photo Credits: Rodjun Cruz| IG

“Sunday family day”, ang naging maikling caption ni Rodjun sa larawan na kanyang ibinahagi.

Batay sa larawan na ibinahagi ng aktor, ay nagtungo silang magpamilya sa isang restaurant at dito ay nagsalo-salo’t nagkaroon ng masayang mga sandali.

Photo Credits: Rodjun Cruz| IG

Maliban pa sa larawan na ito, ay nagbahagi rin ng iba pang larawan si Rodjun kung saan naman masisilayan ang kanyang napaka-adorable na anak na nakikipaglaro nga sa mga pinsan nito.

Photo Credits: Rodjun Cruz| IG

Kitang-kita naman sa iba pang larawan na ibinahagi ng aktor, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ng kanyang buong pamilya, kaya naman talagang napakaganda nilang pagmasdan.
Sa comment section ay maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa aktor at maging sa pamilya nito, dahil sa maganda nilang samahan.

“We love u cruz family.”
“Baka mga idol ko yan..”
“Beautiful family!”

error: Content is protected !!