Connect with us

Entertainment

Sumpaan at Kasunduan: Ina ng Magkasintahang Bea Alonzo At Dominic Roque, Ibinunyag Na May Sumpaan At Kasunduan Na Sila Para Sa Dalawa

Tila nga sa simbahan na ang tuloy ng relasyon ng magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Kitang-kita naman sa dalawa kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa. Wala ngang duda, kung bakit naramdaman na nila sa isa’t isa ang kapanatagan, at walang kapantay na kaligayahan.

Photo credits to the owner

Sa sobrang pagmamahal nina Bea at Dominic sa isa’t isa, ay hindi na nga nakapagtataka kung bakit naging malapit na rin ang kani-kanilang pamilya, lalo na nga ang kanilang mga nanay. Sa tuwing may espesyal nga na pagdiriwang ay hindi nawawala ang isa sa kanila para dumalo.

Photo credits to the owner

Kamakailan naman ay agaw pansin sa social media ang larawan ng ina ni Dominic na si Lena Roque matapos makita na may ka-pinky promise ito. At base nga sa mga larawang ibinahagi nito sa Instagram ay ang mommy ni Bea na si Mary Anne Ranollo ang ka-pinky promise ni Mommy Lena.

Photo credits to the owner

Ang palaisipang post kung saan nga ay naka-tag kay Mommy Mary Anne, ay mas lalong naghatid ng kilig sa mga netizens, matapos lakipan ng caption ni Mommy Lena ang mga larawan ng nakasaad ang: “Sumpaan at Kasunduan.”

Dahil nga dito, ay samu’t saring espekulasyon na ang pumasok sa isipan ng mga tagahanga ng celebrity couple. At ang ilan nga ay malaki ang hinala na baka raw namanhikan na si Dominic kina Bea kung kaya’t ganun na lamang ang nakasaad sa post ni Mommy Lena.

Agad ngang inulan ng komento mula sa mga netizens ang nasabing larawan. Narito ang ilan:

“Wedding bells is waving”

“Namanhikan na ata wow naman”

“Ala ano b iyon.ibig sabihin b ng sumpaan n yan e.namanhikan n kyo”

Yeheyyy kasalan na po ba beadom?…salamat mommy lena”

“pamamanhikan na yata ,, mukhang bell is ringing na po, if ever yan we beadom fans are so much happy”

Tila nga isang magandang balita ito sa BeaDom dahil ang kanilang mga idolo, ay sa simbahan na nga ang tuloy. Hindi man ngayon, ay darating rin ang tamang panahong itinakda para maganap ang inaasahan nilang pag-iisang dibdib ng celebrity couple.

Photo credits to the owner

Samantala, nitong nagdaang Christmas ay makikita naman sa mga larawang ibinahagi sa Instagram na magkasamang nagdiwang ang pamilya ni Bea at Dominic sa farm ng aktres sa Zambales. At nakikita sa mga ibinahaging larawan ni Mommy Lena sa Instagram, na sila’y nagkaroon ng isang masayang selebrasyon para sa unang pasko na magkakasama ang kanilang pamilya.

Photo credits to the owner

Matatandaan na ang makulay at masayang buhay pag-ibig ni Bea sa piling ni Dominic ay nalantad sa publiko nitong taon lamang. Tila nga sa pagdating naman ni Dominic sa buhay ng aktres, ay talagang nadama niya ang wagas at tunay na pag-ibig na hatid nga ay kakaibang saya.

error: Content is protected !!