Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Video ng Pag-iisang Dibdib ng Celebrity Couple na Sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na Naganap sa Bataan

Tila nga napakabilis ng mga pangyayari sa relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Matapos kasi ianunsiyo ang kanilang relasyon noong Pebrero, at agad rin silang na-engaged pagdating ng buwan ng Marso. At ang pinakainaabangang pag-iisang dibdib ng dalawa, ay nabigyang katuparan nga nito lamang ika-11 ng Nobyembre.

Pinatunayan nga nina Derek at Ellen na pagdating sa pag-ibig, ay hindi sukatan ang tagal ng pinagsamahan. Matapos nilang magkakilala nitong buwan ng Enero taong kasalukuyan, ay hindi na nila pinakawalan pa ang isa’t isa. Hindi pa nga natatapos ang taon, ay nagpasya na silang lumagay sa tahimik kung saan nga ay tila agad nilang nasumpungan ang inaasam na pag-ibig at kaligayahan ng kanilang puso.

Sa kabila nga ng mga kontrobersiya at mga negatibong komento mula sa netizens, ay pinatunayan parin ng celebrity couple na sa pag-iisang dibdib mauuwi ang kanilang relasyon.

Saksi ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa kanilang tunay at wagas na pagmamahalan. Ang kanilang pag-iisang dibdib at palitan ng sumpaan ay naganap sa Rancho Bernardo sa Bataan, isa sa pinakasikat na villa sa Bataan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Ang kanilang dreamy sunset wedding ceremony ay nakunan naman ng video ng mahusay na videographer na si Bob Nicolas. Makikita nga na talagang lutang na lutang ang angking kagandahan at kaseksihan ni Ellen sa kanyang suot na high-slit wedding gown, habang si Derek naman ay napakakisig sa kanyang suot na sleek at dapper suit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)


Samantala, hindi naman maiwasan nina Derek at Ellen ang maging emosyunal habang nagpapalitan ng kanilang sumpaan sa isa’t isa. Hindi rin kasi halos makapaniwala ang dalawa sa bilis ng mga pangyayari, ngunit sa huli nga ay nangako silang iingatan at mamahalin ang isa’t isa sa hirap at sa ginhawa.

Damang-dama naman sa kanilang wedding vows ang kanilang labis na pagmamahal sa isa’t isa. Ayon nga kay Derek, ay alam na niya na si Ellen talaga ang kanyang “the one”. Kaya naman, agad niyang hiningi ang permiso ng kanyang anak na si Austin at ng kanyang magulang para pakasalan si Ellen. Habang si Ellen naman, ay maluha-luha ring sinasabi ang mga katagang puno ng pangako at pagmamahal kay Derek.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Hindi naman maitago na talagang maligayang-maligaya ang bagong kasal, dahil ngayon nga ay ganap na silang mag-asawa. Matapos ang mga bigong pag-ibig sa kanilang mga naunang relasyon, ngayon nga ay natupad na nila ang inaasam na kaligayahan sa piling ng isa’t isa.

Parehong may mga anak sina Ellen at Derek sa kanilang mga dating nakarelasyon. Si Derek ay may anak na binata sa kanyang dating karelasyon na si Mary Christine Jolly, siya si Austin na 18 taong gulang na ngayon. Samantalang si Ellen naman ay may anak rin sa aktor na si John Lloyd Cruz, siya naman si Elias na 3 taong gulang na ngayon.

error: Content is protected !!