Connect with us

Uncategorized

Sulyapan Ang Taglay Na Kagandahan at Kagwapuhan Ng Mga Sikat Na Artista Na Ito Sa Showbiz Sa Kanilang Yearbook Photos

Ang mga sikat na artista bago pa man pasukin ang showbiz, ay nauna silang pumasok sa paaralan. Napakahalaga naman talaga ng edukasyon para matuto. At kapag sila’y natuto na nga ay hindi naman mawawala ang kanilang mga larawan sa kanilang yearbook. Ito nga ang patunay na natapos nila ang kanilang pag-aaral sa paaralang kanilang pinasukan.

Ating silipin ang mga magaganda at gwapong artista na ito sa showbiz sa kanilang yearbook photos.

Kris Aquino

Hindi maikakaila na noong nag-aaral pa lamang si Kris, ay kilala na nga siya sa kanilang paaralan. Kaya naman, siya nga ay talagang binansagang 80’s popular. Makikita naman sa kanyang lumang larawan sa kanyang yearbook na napakaganda niya. Nakapagtapos naman siya ng Bachelor of Arts in English Literature sa Ateneo de Manila University noong 1992.

Photo credits: google.com

Maine Mendoza

Bago naman maging isang sikat na artista sa showbiz, ay tinawag na ngang “head turner” sa kanilang batch si Maine Mendoza. Hindi nga ito maitatanggi dahil taglay naman talaga ni Maine ang napakagandang mukha. Patunay nga rito ang kanyang yearbook photo kung saan masisilayan ang kanyang matamis na ngiti. Bumagay rin kay magandang mukha ni Maine ang style ng kanyang buhok na one-sided bangs.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Glaiza de Castro

Napakasimple naman ng aktres na si Glaiza de Castro sa kanyang yearbook photo noong siya’y nakapagtapos ng highschool. Ngunit sa kabila ng kasimplehan ng aktres, ay lutang na lutang parin ang kanyang angking ganda.

Photo credits: google.com

Marian Rivera

Noon pa man ay taglay na nga ni Marian Rivera ang mala-dyosang kagandahan. At sa kanyang yearbook photo nga, ay masisilayan ang kanyang taglay na ganda na tila nga hindi kumukupas.

Photo credits: google.com

Dingdong Dantes

Tulad ng kanyang asawang na si Marian Rivera, ay hindi rin kumupas ang kagwapuhan ng aktor na si Dingdong Dantes. Napakagwapo ngang pagmasdan ng aktor sa kanyang yearbook photo.

Photo credits: google.com

Pia Wurtzbach

Masisilayan naman sa yearbook photo ni Pia Wurtzbach ang kanyang magandang mukha at matamis na ngiti. Isa namang patunay ang kanyang larawan na taglay na niya noon pa man ang kahanga-hangang kagandahan dahilan nga para tanggaling Miss Universe 2015.

Photo credits: google.com

Heart Evangelista

Hindi naman maikakaila na si Heart Evangelista ang binansagang 90’s populaar girl. Sa kanyang taglay na ganda ay marami ang humahanga. Kitang-kita nga sa kanyang yearbook photo ang kanyang taglay na ganda kaya naman ang nakasulat sa kanyang write-up ay nabigyan niya ring katuparan na maging isang na artista at maging isa ring mahusay na pintor.

Photo credits: google.com

Carla Abellana

Tila naman taglay na ng aktres na si Carla Abellana ang mga magagandang katangian ng isang estudyante. Nakasaad nga sa kanyang write-up na isa siyang “talented, hardworking at attractive”. Wala naman talaga itong duda dahil sadyang napakaganda naman talaga ng aktres

Photo credits: google.com

error: Content is protected !!