Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Napakagandangn Tahanan na Naipundar ng Hinahangaan na Komedyanteng Aktres na Si Rufa Mae Quinto

Isa ang social media ngayon sa mga madalas ng ginagamit ng maraming mga artista upang kahit na sila ay pansamantalang hindi aktibo sa mundo ng showbiz, ay makapgbibigay pa rin sila ng update ng buhay nila sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay. Maliban pa dito, marami rin sa mga kilala nating sikat na artista ang ginagamit ang social media sa pagbibigay inspirasyon sa marami nilang mga tagasuporta at tagahanga.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Ang iba ngang artista ay nagbabahagi sa kanilang social media account ng mga bagay na kanilang nakamtan na siya ngang bunga ng pagsusumikap at pagtatiyaga nila sa buhay. Makikita na madalas na magbahagi ang ilang mga sikat na artista ng mga pundar nilang bahay, sasakyan o di kaya naman negosyo, ito ay hindi para ipagyabang ito kundi upang maging inspirasyon nga sa marami, na kapag nagsusumikap at hindi tumitigil sa pagtupad ng pangarap ay posible ngang mabigyan ng katuparan ang lahat ng ating hinahangad sa buhay.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Kabilang na nga sa mga sikat na komedyanteng aktres na talaga namang na nabigyang katuparan ang pangarap niyang tahanan dahil sa kanyang ksipagan at pagsusumikap ay si Rufa Mae Quinto. Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay isa sa mga sikat at kilalang komedyante at aktres sa Philippine Showbiz Industry. Siya ay ipinanganak noong ika-28 ng Mayo taong 1978.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Sa kasalukuyan nga ay 43-taong gulang na si Rufa Mae, ngunit dahil sa taglay niyang personalidad na palaging positibo sa buhay at madalas ngang nagbibigay kasiyahan sa marami, ay mapapansin nga na hindi kumukupas ang kanyang taglay na kagandahan.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Matatandaan na si Rufa Mae ay ikinasal sa kanyang asawang si Trevor noong taong 2016. Si Trevor ay nakilala niya ng siya ay mag-tour sa Amerika. Sila ni Trevor ay biniyayaan naman ng isang anak na babae, at ito nga ay si Athena na isinilang noong taong 2019.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Samantala, kahit naman hindi aktibo ngayon sa pag-aartista si Rufa, ay nasusubaybayan pa rin siya ng kanyang mga tagahanga at ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay update niya sa kanyang YouTube channel at mga social media accounts.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Kamakailan nga lamang, ay ibinahagi ni Rufa sa kanyang social media ang mga karawan ng napakagandang tahanan na kanyang naipundar, at dahil sa talaga namang napaka-elegante at ganda ng tahanan ng komedyante ay marami sa kanyang mga tagasubaybay ang talagang namangha.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Sa mga larawang ibinahagi ng komedyanteng aktres ay mapapansin nga ang eleganteng disenyo ng kanyang tahanan. Mas nagpalakas din ng dating dito ang kumbinasyon ng kulay nito na white at gray. Tila nga nasa isang mamahaling silid ka ng isang magandang hotel kapag ikaw ay nasa loob ng tahanan ni Rufa.

Photo Credits: Rufa Mae Quinto| IG

Ang napakaganda ngang tahanan na ito ni Rufa ay bunga ng kanyang sipag at pagtutulungan nila ng kanyang mister na nagtatrabaho naman sa ibang bansa. Ayon nga sa aktres, talagang pinagtulungan nila ng asawa niya ang makapagpundar ng maayos at magandang tahanan, hindi lang para sa kanilang mag-asawa kundi para rin sa anak nilang si Athena.

error: Content is protected !!