Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Napakaganda at Napakaseksing Transformation Ng Aktres Na Si Janella Salvador Sa Tulong Ni Dra. Vicki Belo Na Nagkakahalaga ng P192,000

Masisilayan sa katawan ngayon ng aktres na si Janelle Salvador na talaga namang napakaseksi at tila hindi aakalain na kakapanganak lamang niya sa kanyang napakacute na anak na si Baby Jude.

Photo credits to the owner

At ang sektreto sa likod ng fit at seksing katawan ni Janella ngayon, ay ibinunyag ng celebrity beauty doctor na si Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram at Tiktok acccount nito lamang ika-17 ng Enero kung saan nga ay agad nag-trending at humakot ng 5 milyong views.

Photo credits to the owner

Matatandaan na noong nakaraang taon, buwan ng Setyembre nang ibahagi ni Janella sa publiko ang plano niyang sumailalim sa “liposuction” para alisin ang halos 40 lbs na pagtaas sa kanyang timbang. Bahagi na ng kanyang pagbubuntis ang pagtaas ng kanyang timbang na dulot ng puyat, pagod at over eating. Inamin naman ni Janella, na nais niyang ibalik ang kanyang self confidence kaya siya nagpasyang magbalik alindog sa tulong ni Dra. Vicki Belo. At ayon pa nga kay Janella, ay “best decision ever” umano ang kanyang pagpapa-lipo.

Photo credits to the owner

Ayon naman kay Dra. Belo, ay sumailalim si Janella sa procedure na tinatawag na “360° Liposuction”. Ito nga ay isang procedure kung saan inaalis ang mga unwanted fats sa pamamagitan ng circumferential manner.

Ibinunyag rin ng celebrity doctor sa nasabing video na lumapit sa kanya si Janella anim na buwan matapos manganak kay Baby Jude para ihanda ang kanyang katawan sa trabaho. At si Janella nga ay sumailalim sa 360 degree liposuction para bawasan ang kanyang mga fats, sa partikular na bahagi ng kanyang katawan katulad ng sa bandang arms, wings, back at abdomen.

Photo credits to the owner

“Janella Salvador came to Belo six months after giving birth to Jude for help to get her body ready for work. We did 360-degree liposuction on her arms, wings, back, and abdomen.”

Matapos naman ng ginawang 360-degree liposuction kay Janella, ay nag-iwan naman ito ng loose skin sa katawan ng aktres. Kaya naman, matapos ang tatlong buwan ay sumailalim naman si Janella sa proseso na tinatawag na “Skin Genius” para alisin naman ang kanyang mga loose skin.

Photo credits to the owner

“Three months after the lipo, we used the Skin Genius to tighten and shrink the loose skin on her back and arms.”

Maliban naman sa liposuction, ay tiniyak rin ni Janella na nagwo-work out siya para makamit ang kanyang fit at seksing katawan bilang paghahanda sa kanyang gaganapang role sa iconic super hero na “Darna” kung saan ay gaganap siya bilang “Valentina”.

Photo credits to the owner

Para naman sa kaalaman ng marami, ay gumastos si Janella ng kabuuang P192,000 para sa dalawang procedure para makamit ang kanyang magandang hubog ng katawan ngayon. Ang presyo ng Skin Genius ay nagsisimula sa P80,000 per session, ayon sa Belo’s official website. Habang ang 360° Liposuction naman at nagkakahalaga ng P112,000.

error: Content is protected !!