Sulyapan Ang Napakaganda At Nag-Iisang Anak Na Babae Ng Premyadong Aktor Na Si Edu Manzano

Tunay na kamangha-mangha na pagmasdan ang magkapatid na maging masaya sa kani-kanilang mga personal na tagumpay. Kahit minsan ay napagkukumpara sa isat-isa, nakakatuwang malaman kung paano sila makitungo ng may kasamang respeto at pagmamahal at nagsisilbing inspirasyon ang bawat isa.



Gaya na lamang ng tatlong anak ng premyadon aktor na si Edu Manzano, na sina Luis, Addie at Enzo Manzano.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang aktor at magaling na host na ating napapanood sa programang “I Can See Your Voice” na si Luis Manzano, na panganay na anak ni Edu kay Vilma Santos ay may dalawang nakaka batang kapatid sa ama, isa na nga rito ay ang napakagandang kapatid niya na babae na si Addie Manzano. Madalas siyang bumabati sa kanya kuya sa telebisyon kapag may mga espesyal na okasyon.

Kaagad na nakuha ni Addie ang atensyon ng publiko dahil sa taglay niyang kagandahan. Nabihag rin niya ang puso ng mga netizens kung saan ilan sa kanila ay pinaglaanang kilalanin at alamin ang ilang personal na detalye ng nag-iisang anak na babae ni Edu Manzano.

Si Addie na ngayon ay dalawampu’t isang taong gulang na ay anak ni Edu sa dating modelo na si Rina Samson, base sa kanyang mga larawan online hindi maitatanggi na nakuha niya sa kanyang magulang ang taglay niyang kagandahan at karisma.



Sa kabilang banda, hindi rin madaling mapansin na 16 years pala ang agwat ng kanyang edad sa kanyang nakatatandang kapatid na si si Lucky na ngayon ay 37 taong gulang na.

Ayon pa sa mga ulat, nagawa niyang maging independent sa kabila ng kanyang murang edad at siya ay namalagi sa lugar ng New York, kung saan minsan ay nabasa sa Instagram post ng kanyang ama na ikinatuwa niya na ang kanyang anak ay nagawang malampasan ang buhay sa ibang bansa. Kamakailan lang ay ibinahagi ng kanyang ama sa kanyang social media account na binisita niya si Addie sa kanyang tinitirhan sa ibang bansa.

Dahil na rin marahil sa angkin niyang kagandahan, hindi maalis sa isipan ng mga tao na umasa na maaring sundan niya ang yapak ng kaniyang ama at kapatid. Dagdag pa rito na minsan na rin siyang naging host sa UAAP season at naging modelo ng isang sikat na clothing brand na Bench.

Ngunit mariing ipinahayag ng nag-iisang anak na babae ni Edu na si Addie na mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang kanyang pangarap bago ang pagaartista, nangangahulugan lamang ito na hindi rin niya isinasantabi na may posibilidad na pasukin rin niya ang mundo ng showbiz balang araw.