Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Nag-uumapaw Na Ka-cutan Ng Baby Boy Nina Meryll Soriano at Joem Bascon

Hindi inaasahan ng marami na ang aktres na si Meryll Soriano at aktor na si Joem Bascon, ay muling iibig sa isa’t isa matapos magkahiwalay. Sa muli nilang pagsasama sa pelikula, ay tila nanumbalik nga ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. At matapos nga ang halos sampung taong pinaglayo ng tadhana, ay muli ngang nagkabalikan ang dalawa.

Credits: Meryll Soriano | IG

Tunay nga na sa pangalawang pagkakataon ay mas matamis ang hatid na pag-ibig sa isa’t isa tulad nina Meryll at Joem. Hindi na nga nila hinayaang mawalay pa sa isa’t isa at ngayon nga ay nakabuo na sila ng kanilang sariling pamilya.

Ang matamis nilang pag-iibigan ay nagbunga ng isang napakacute na baby boy. Matatandaan na sa pagpasok ng taong 2021, ay isang rebelasyon nga ang ibinunyag ni Meryll. At ito ang pagkakaroon nila ng anak ng aktor na si Joem Bascon, ang cute little boy na pinangalanan nilang Gido.

Credits: Meryll Soriano | IG

Noong una ay nais ni Meryll na maging pribado ang buhay ng kanilang pamilya. Ngunit, sa pagdaan ng panahon ay hindi na nga naiwasan ng aktres ang maging masaya at maging proud mommy sa kanyang napakacute na anak.

Sa pagdating nga ni Baby Gido sa buhay nina Meryll at Joem ay walang pagsidlan sa tuwa ang kanilang mga puso. Kaya naman, unti unti na ring ipinapakilala ni Meryll sa publiko ang kanilang napakacute na anak ni Joem.

Credits: Meryll Soriano | IG

Hindi lamang ang celebrity couple ang talagang natuwa sa pagdating ni Baby Gido, kundi pati na rin ang kanyang mga Ninong at Ninang. At siyempre, kabilang rin sa talagang tuwang-tuwang sa kanyang pagdating ang kanyang Lolo na si Willie Revillame at Lola na si Diamond Star Maricel Soriano. Minsan na ring ibinahagi ni Meryll sa kanyang social media ang pagkikita ni Baby Gido at ng kanyang Lolo Willie at Lola Maricel.

Credits: Meryll Soriano | IG

Isang napakagandang biyaya ang pagdating ni Baby Gido sa kanilang pamilya. Kaya naman, hindi pinapalampas ni Meryll ang maibahagi sa kanyang mga tagahanga ang milestone ng kanyang napakacute na anak. Sa ngayon nga, ay masisilayan sa social media ng aktres ang napakacute na larawan ni Baby Gido.

Masisilayan nga sa mga larawan ang unti-unting paglaki ni Baby Gido. At tunay nga, na kagigiliwan ng madla ang napakacute na baby na tulad na anak ni Meryll. Maliban naman sa mga larawan na hatid ay nag-uumapaw na kacutan ni Baby Gido, ay masisilayan rin sa social media ni Meryll ang masayang bonding ng kanilang pamilya.

Credits: Meryll Soriano | IG

Sa ngayon nga, ay talaga namang napakalaki ng nabago sa buhay nina Meryll at Joem dahil sa pagdating ni Baby Gido. Maliban naman kay Gido, ay may isa pang anak na lalaki si Meryll sa kanyang dating asawa na si Bernard Palanca, ito nga ay si Elija.

error: Content is protected !!