Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang mga Nakakaaliw na Larawan ni Alessandra De Rossi Kasama ang Pamangkin Niyang si Baby Fiore na Hatid ay Good Vibes sa mga Netizens

Aliw na aliw nga naman ngayon ang aktres na si Alessandra de Rossi na gampanan sa tunay na buhay ang pagiging isang tita niya sa baby girl ng kanyang nakatatandang kapatid na si Assunta na si Baby Fiore.

Makikita sa Instagram account ni Alessandra ang madalas nitong pagbabahagi ng mga larawan at bonding moments niya sa kanyang pamangkin na si Baby Fiore. At kitang-kita nga na bilang isang tita ay labis ang pagmamahal niya sa kanyang pamangkin, na kung ituring nga rin niya ay parang sarili niyang anak.

Mula nga ng ipanganak ng ate niyang si Asunta de Rossi ang anak nito na si Baby Fiore ay madalas ng bumibisita si Alessandra sa tahanan ng kanyang kapatid. At sa kabila ng pagiging abala nito sa kanyang trabaho bilang isang artista sa mundo ng showbiz, ay gumagawa pa rin ito ng paraan upang mabisita ang kanyang pamangkin at maka-bonding nga ito.

Tuwing nasa bahay nga ng kanyang Ate Assunta si Alessandra, ay siya ang madalas na nagbabantay sa kanyang pamangkin.

Marami namang mga netizens ang labis na kinaaliwan at kinatutuwa ang mga larawan at bidyu na ibinabahagi ni Alessandra sa kanyang mga social media account, kung saan ay makikita nga kung gaano siya ka-enjoy sa pag-aalaga dito.

Bawat mga larawan nga nila ng kanyang pamangkin na ibinabahagi niya ay may kanya-kanyang kuwento sa likod nito. Isa na nga sa pinaka-latest sa mga ibinahagi ni Alessandra, ay ang pagpapakita niya pagkakapareho nila ng katangian ni Baby Fiore.
Kinaaliwan naman ng mga netizens ang mga larawan at bidyu ng matiyahin na Alessandra at Baby Fiore.

Sa isang larawan nga na ibinahagi ni Alessandra, ay makikitang kalong niya ang pamangkin, at ang caption nga na inilakip dito ng aktres ang nagbigay ng nakakatuwang reaksyon sa mga netizens.

“Fiore: Zia I have a problemz! What is double chin?
Me: Uhm… It’s a family problem”, ang naging caption nga ng aktres.

Samantala, tunay namang kaybilis ng paglipas ng panahon, dahil parang kailan lang ng ibalita ni Assunta de Rossi ang kanyang pagbubuntis sa magiging first baby nila ng kanyang mister na si Jules Ledesma, at ngayon nga ay ganap ng 8-buwang gulang ang anak nitong si Baby Fiore na talaga namang kitang-kita ang pagiging cute and adorable kagaya ng kanyang mommy at tita.

Matatandaan na si Baby Fiore ay isinilang noong buwan ng Oktubre taong 2020, at ang buong pangalan na ibinigay sa kanya ng mga magulang ay Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma.

error: Content is protected !!