Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Makapigil Hiningang Kaseksihan Ni Bea Alonzo Bilang Calendar Girl Ng Tanduay Para Sa 2022

Ang buong taong 2021 ay puno ng biyaya para sa aktres na si Bea Alonzo. Hindi naman talaga maikakaila na bumuhos ang biyaya sa buhay ni Bea, magmula sa kaliwa’t kanang niyang proyekto, at maraming achievements.

At tila nga, hindi ito natatapos dahil isa na namang proyekto, ang kanyang ginawa na talagang nagpabilib sa marami niyang tagahanga. Ito nga ang maging calendar girl para sa taong 2022 ng sikat na rum brand na Tanduay.

Photo credits: tanduayrhumofficial

Bilang isang calendar girl nga, ay inaasahan na ng marami na ipapamalas ni Bea ang kanyang angking ganda at kaseksihan. Noong Nobyembre 23 ng nakaraang taon, ay ipinasilip nga ng nasabing rum brand ang behind-the-scenes footage sa naganap na farm-themed shoot na ibinahagi sa Facebook. Agad naman ngang pinagkaguluhan ng mga netizens ang video ni Bea, kung saan nga ay masisilayan ang makapigil hiningang kaseksihan ng aktres.

Photo credits: tanduayrhumofficial

Ayon naman sa stylist na si Pam Quinones at photographer na si Mark Nicdao na siyang nag-ayos at kumuha ng mga larawa ni Bea, ay nais nilang ipakita ang different side ng isang Bea Alonzo sa nasabing proyekto.

“She’s always been this giddy kikay girl who’s now more mature. And she’s really involved in her farm…we wanted to showcase that but in a more sophisticated, sexy manner. We wanted that side na La Dolce Vita,”paliwanag ni Pam.

Photo credits: tanduayrhumofficial

Para naman bumagay sa napili nilang tema, ay pinagsuot si Bea ng pinaghalong seksing damit tulad ng lingerie, two-piece swimsuits, at summer dresses na litaw ang kaseksihan ng aktres. At hindi naman talaga maikakaila na walang kaeffort-effort ang pag-awra ni Bea para ipakita ang kanyang kaseksihan suot ang mga seksing damit na litaw ang kanyang makinis na balat.

Photo credits: tanduayrhumofficial

Talaga namang pinahanga ni Bea ang publiko sa kanyang taglay na kagandahan, at kaseksihan. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, ay hindi ito ang unang pagkakataon na naimbitahan si Bea para maging calendar girl ng Tanduay. Dahil ibinunyag ni Bea na pagkatapos niyang gawin ang pelikulang One More Chance, ay inalok siya ng Tanduay na maging calendar girl ngunit ito’y kanyang tinanggihan.

Ayon nga kay Bea, ay hindi pa siya handang magpaseksi noong unang beses na inalok ito sa kanya. Ngunit, sa pangalawang beses na offer sa kanya na maging calendar girl ng Tanduay, ay hindi na niya ito tinanggihan dahil handa na rin naman siya, ay wala naman nang rason para tumanggi pa siya.

Photo credits: tanduayrhumofficial

“At that time I wasn’t ready yet. I was at that point in my life where I wasn’t that confident yet, and parang hindi siya aligned sa kung anong gusto kong mangyari at that point in my life.”

“So when I was asked the second time, everything was just falling into place. I felt empowered, I felt like I was ready for change, and I was ready. I couldn’t really think of a reason why I shouldn’t do it so I said yes.”

error: Content is protected !!