Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Larawan Ng Masayang Pamilya Ng Aktor Na Si Baron Geisler Sa Kanilang Christmas Photoshoot

Hindi naging maganda ang imahe sa publiko ng aktror na si Baron Geisler kung saan nga ay madalas siyang masangkot sa mga gulo at kontrobersya. Ngunit, marami ang nagulat matapos ipakita ni Baron sa publiko na sa kabila ng mga negatibong bagay na nangyari sa kanyang buhay ay kaya niyang magbago.

Credits: Baron Geisler | IG

At ang dahilan nga nito ay ang pagdating sa buhay niya ng kanyang asawang si Jamie Marie Evangelista. Mas lalo namang naging makabuluhan ang buhay ni Baron nang isilang ni Jamie ang kanilang napakacute na baby girl na si Talitha Cumi.

Makikita nga na napakalaki ng nabago sa buhay ni Baron kung saan nga ngayon ay masayang-masaya sa piling ng kanyang pamilya. Kitang-kita nga sa mga larawang ibinahagi ng aktor sa social media ang kanyang masayang pamilya.

Credits: Baron Geisler | IG

Para ngayong nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan ay hindi pinalampas ni Baron ang pagkakataon na magkaroon sila ng family photoshoot. At makikita nga na napakaganda nilang pagmasdan sa kanilang red outfit. Bagay na bagay nga ito para sa Christmas season.

“Tis’ the season”, caption nga ni Baron sa kanyang post.

Kitang-kita naman sa mukha ng aktor ang kanyang masayang ngiti. Maging ang kanyang mag-inang sina Jamie at Talitha, ay masaya rin ang pagkakangiti sa harap ng camera. Ang isang masaya at buong pamilya nga ay dapat na ipagpasalamat.

Matatandaan naman na noong nakaraang January 2020 nang masayang salubungin nina Baron at Jamie ang pagdating ng kanilang baby girl. At sa pagdating nga ni Baby Talitha, ay pinatunayan ni Baron na isa siyang mabuti at mapagmahal na ama.

Credits: Baron Geisler | IG

Sa isang panayam naman ay minsan nang naibahagi ni Baron kung paanong nagbago ang kanyang buhay sa pagdating ng kanyang pamilya. Kung noon nga, ay isa siyang “bad boy”, ngayon nga ay isa na siyang responsable at mapagmahal na padre de pamilya.

Pag-amin nga ni Baron,“Nag-soften yung character ko. Hindi na ako maangas. Siguro yung angas na yan, ilalabas ko yan kapag kailangan ng pamilya ko. Ilalabas ko sa pagbabanat ng buto, siyempre dahil may anak at asawa na ako, ayoko na ng gulo.”

Credits: Baron Geisler | IG

“As much as possible, kung may maghahamon sa akin diyan, e tatakbo na lang ako kasi ayaw natin ng kaaway, lahat kaibigan natin,”dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ni Baron ang kanyang realization sa buhay matapos makaranas ng matinding pagsubok na dulot pandemya matapos malock down sa Cebu kasama ang pamilya noong nakaraang taong 2020.

Credits: Baron Geisler | IG

“Now, family comes first. More than any material things, family is the most important thing in the world. I consider 2020 as a blessing in disguise. Marami akong natutunan. I got to take care of my daughter. Naging hands-on pa kami ng asawa ko, si Jamie.”

error: Content is protected !!