Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Dating Child Star Na Si Clarence Delgado Na Lumaking Taglay Ang Kahanga-hangang Kagwapuhan

Ang cute at bibong bata na si Clarence Delgado ay isa sa mga nagpasaya sa atin sa telebisyon. Nakakatuwa naman talaga si Clarence lalo na nga’t taglay niya ang cute at chubby na katawan na talaga namang nakakagigil. Bukod dito, ay taglay rin niya ang talentong hinahangaan ng lahat sa isang batang tulad niya.

Sa pagpasok ni Clarence sa showbiz sa murang edad ay mas nakilala ang kanyang pangalan nang mapabilang siya sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit kung saan nakasama niya ang iba pang cute at talentadong bata ng ABS-CBN. Matatandaan naman na bago pa ipamalas ni Clarence ang kanyang talento sa pag-arte, ay una siyang nakilala ng publiko matapos magwaging The Male Winner sa Star Circle Quest noong 2011.

At ito na nga ang naging daan ni Clarence para mapabilang sa Goin’ Bulilit. Maliban sa kiddie gag show, ay nagkaroon rin ng ilang teleserye at pelikula si Clarence kung saan nga ay ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte. Ilan lamang sa mga ito ay “Can’t Help Falling In Love”, at “Way Back Home”. Marami ring mga manonood ang programang hantog ay mga kwentong puno ng aral ng ABS-CBN na Wansapanataym. Sa murang edad rin ay nasabak si Clarence sa pagho-host at naging isa nga sa mga host ng morning show na Umagany Kayganda.


Sa hindi naman namalayang paglipas ng panahon, ang dating napakacute at bibong bata na si Clarence ngayon nga ay 17 taong gulang na, at isa nang ganap na binata. Marami ang pinahanga ni Clarence sa kanyang naging glow up transformation dahil lumaki siyang taglay ang kahanga-hangang kagwapuhan.

Makikita sa social media ni Clarence ang kanyang pagbabago sa pagdaan ng panahon. Kung dati nga’y gigil na gigil tayo sa matambok niyang pisngi at malusog niyang katawan, ngayon nga ay hahanga naman tayo sa gwapo niyang mukha.

Hindi naman maikakaila na sa pansamantalang pagkawala ni Clarence sa showbiz at sa kanyang pagbabalik ay marami ang nagulat sa kanyang transformation. Ang dahilan naman kung bakit hindi na natin napapanood sa telebisyon si Clarence ay dahil pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Marami naman ang natuwa nang magbalik telebisyon si Clarence ngunit sa pagkakataong ito ay bilang isang Kapuso. Matapos nga ang ilang taong pagiging Kapamilya, ay nagpasya si Clarence na lumipat ng network kung saan nga ay naging bahagi siya ng teleseryeng “My First Yaya”.

Sa taglay na kagwapuhan ni Clarence ay tiyak na maraming kababaihan ang mahuhumaling. Ngayon nga na binata na ang dating child star, ay kitang-kita na marunong na rin siyang magdala ng kanyang sarili.

error: Content is protected !!