Connect with us

Entertainment

Sulyapan ang Buhay Ngayon ng Dating Sikat na Aktor na si Rainier Castillo na Mayroon nang Sariling Pamilya

Sa panahon ngayon na laganap na ang social media upang maghatid sa atin ng mga balita ay muli na nating nakikita at nasusubaybayan ang mga buhay ng mga hindi na natin nakikitang mga artista.

Madami sa kanila ay meron nang masasayang buhay kasama ang binuo nilang pamilya. Hindi din natin lubos na maisip na matagal na pala ang mga ito na wala sa showbusiness kung kaya nagugulat na lang tayo sa mga balita tungkol sa buhay nila. Tulad na lamang ng dating artista at top 4 ng kilalang programa ng Kapuso network na starstruck na si Rainier Castillo.

Photo credits: Ranier Castillo | Instagram

Sino nga ba naman ang makakalimot sa aktor na ito na naging kasabayan ng mga kilalang artista na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Yasmien Kurdi.

Photo credits: Ranier Castillo | Instagram

Mahigit kumulang 7 taon din siyang naging aktibo sa showbusiness upang ipakita sa atin ang kanyang talento sa pag-arte. Madaming programa ang naging parte ang kilalang aktor tulad ng Mulawin, Bakekang , Majika at madami pang iba.

Photo credits: Ranier Castillo | Instagram

Nagawa din ng aktor na lumipat ng ibang istasyon ngunit makalipas din ng hindi katagalang panahon ay ninais na lamang niya na magpahinga muna. Sa ilang taon na wala tayong balita sa aktor ay muli natin siyang nasilayan upang ipaalam kung ano na nga ba ang nangyari sa kanyang buhay.

Sa pag alis niya sa showbusiness ay nagdesisyon umano ito na magtayo ng business sa Quezon City at tinatawag itong Muscle Up Parkour Gym and Urban Training Ground. Maliban dito ay ikinagulat ng lahat na kasal na pala ito sa kanyang non showbiz partner na si Diane Quizon at kasalukuyang may anak na silang dalawa.

Photo credits: Ranier Castillo | Instagram

Ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang magulang na kung saan saad niya na hindi ito madali ngunit isang napakasayang karanasan umano ito para sa kanya. Madami sa mga netizens ang nagtatanong kung kailan babalik sa showbusiness ang nasabing aktor ngunit ang pahayag nito ay hindi pa siya sigurado kung kailan.

Photo credits: Ranier Castillo | Instagram

Photo credits: Ranier Castillo | Instagram

Sa ngayon ang tanging magagawa niya ay tumanggap ng mga guesting sa mga programa. Napag-alaman din na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa din nawawala ang koneksyon niya sa kanyang mga dating kaibigan tulad ni Mark Herras.

error: Content is protected !!