Connect with us

Entertainment

“Sulit pagod at puyat”, Dimples Romana Proud na Ibinahagi na Sulit ang Lahat ng Sakripisyo Niya Para sa Pangarap na Maging Piloto ng Anak Niyang si Callie

Kasiyahan na ng isang magulang ang makita ang kanyang anak na unti-unting natutupad ang pangarap, kaya naman ang Kapamilya actress na si Dimples Romana ay hindi napigilan ang maging emosyonal sa labis na tuwa at galak ng masilayan niya na ang panganay niyanga anak na si Callie ay nagawa ng magpalipad ng eroplano.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Minsan ng naibahagi ni Dimples na pangarap ng anak niyang si Callie ang maging isang piloto, at suportado nila ito ng mister niyang si Boyet Ahmee. Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa ang kanilang panganay na anak at doon nag-aaral na maging isang mahusay na piloto.

Sa ibinahaging Instagram post ni Dimples ay makikita ang larawan ng anak niyang si Callie, kasama ang isang tila-co-pilot nito. Ayon sa ibinahaging post ng aktres, ang larawan nito ng anak ay kuha habang nagpapalipad ito ng eroplano, kaya naman labis ang kasiyahan niya dahil nakita niya kung gaano kasaya ang anak niyang si Callie na unti-unti ng natutupad ang pangarap.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Dagdag pa ng Kapamilya actress, napakasaya din niya dahil batid niyang suli lahat ng pagod at pagsasakripisyo nilang mag-asawa para mabigyan ng katuparan ang pangarap ng kanilang anak na panganay.

“Sulit pagod at puyat ni mommy and daddy @papaboyetonline future Capt @callieahmee ✈️👩🏻‍✈️ Bukod sa ang ganda mong piloto (liwat sa?? 🥰😅) you get to do this at 18 years old?? Whatttt!”
“Aaaand most importantly my heart is filled with so much happiness seeing you smile this way! YOU ARE HAVING TONS OF FUN CHASING YOUR DREAMS and DOING WHAT YOU LOVE ❤️ Now that’s the DREAM ☁️ You GO GIRL! ” saad ni Dimples.
Makikita rin sa Instagram post na ito ni Dimples, na sa kanyang caption ay ibinahagi niya ang minsan ay naging pag-uusap nila ni Callie noong ito ay nasa edad 9 o 10 pa lamang, kung saan ay natanong siya ng panganay na anak kung bakit patuloy pa rin siyang nagtatrabaho kahit na silang mag-asawa ay may sapat na ring ipon para sa kanilang pamilya.
“When Ate @callieahmee was about 9 or 10 years old, she asked me why B and I were still working super hard kahit na medyo nakaipon ipon na kami nun,” pagbabalik-tanaw ng aktres.

Photo credits: Dimple Romana| IG

Ayon naman sa aktres, ipinaliwanag nila sa panganay na anak na kaya patuloy pa rin silang nagsusumikap at nagtatrabaho ay dahil nais nilang paghandaang mag-asawa ang edukasyon ng mga ito.

Saad pa niya, sinabi niya rin kay Callie na hindi lamang sila nagtatrabahong mag-asawa para maibigay ang mga pangangailangan ng mga ito, kundi bilang magulang ay nais din nila na kung ano man ang mapiling kurso ng mga anak pagdating sa kolehiyo ay talagang masuportahan nila na hindi makakaranas ng anumang pressure.

Photo credits: Dimple Romana| IG

“I told her, time will come and you’ll realize that no matter how prepared you think you are for the future, we must still strive to work hard to make sure that all our kids will be provided for -not just with what they need but also with what they’ll CHOOSE to be when they get to college. That our kids won’t ever be pressured to ever put their other siblings to school, that’s on us as parents,” kuwento ni Dimples.
Dagdag na saad pa niya, “All the many days and nights I had to be apart from them meant Ate gets to freely choose what she wants to be, and the many times I miss her from not being there because of shoots and tapings meant, Ate Cal will get to do what she loves and that is -FLYING and BECOMING A PILOT.”

Photo credits: Dimple Romana| IG

Sa huling bahagi ng kanyang IG post ay masayang ibinahagi ni Dimples na ‘worth it’ lahat ng pagod, puyat at sakripisyo nilang mag-asawa para maibigay at masiguro na masuusportahan nila ang pangarap ng kanilang mga anak.
Si Dimples Romana ay isa sa mga Kapamilya actress na tunaya na hinahangaan dahil sa kanyang galing sa pag-arte, ngunit mas hinahangaan pa ng marami niyang mga tagahanga ang pagiging isa niyang mapagmahal na asawa’t ina sa kanyang pamilya.

error: Content is protected !!