Connect with us

Entertainment

Sorbetero Napaluha ng Mabiyayaan ng Php20,000 ng Aktres ns Si Kim Chiu Matapos Mamudmud ng Aktres ng Pera sa mga Vendors sa UP Campus

It’s Showtime host at aktres na si Kim Chiu hindi napigilan ang maging emosyonal ng ibahagi ang naging pakikisalamuha niya sa mga vendors na nasa UP Campus sa Maynila.
Ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu nito lamang nakaraan ang pakikisalamuha niya sa mga vendors na nasa UP, ito ay matapos nga niyang maatasan na siya ang mamahagi ng pot money na mula sa naipon nilang pera sa Palarong Pang Madla ng It’s Showtime.

Photo credits: Showtime| YT

Ayon sa ulat Php30,000 ang halaga ng nasabing pot money na mula nga sa nasabing segment ng nasabing programa. Ang pera nga na ito ay ipinamumudmod ng mga host na nabunot, at ito nga ay ginagawa ng nasabing programa linggo-linggo.

At ng ang It’s Showtime host na ngang si Kim Chiu ang nabunot na mamahagi ng pot money ay ang mga street vendors nga sa UP Maynila. Ayon kay Kim doon siya madalas mag jogging noon, kaya naman ito ang napili niyang lugar para mamudmod ng biyaya para sa mga street vendors doon.

Photo credits: Showtime| YT

“Tumatakbo ako madalas doon. Tapos nitong linggong ‘to, naisip ko na sana ako yong makakuha nung akp yung magbibigay. Kasi babalikan ko yong magtataho kaso hindi ko na nakita. Nakausap ko masi ‘yon nung isang araw, sabi niya madalang na daw yung bumibili. Dati dito ako kumukuha ng pang-aral, nang pangtustos. Kaya napili ko doon”, pahayag nga ni Kim.

Photo credits: Showtime| YT

Makikita nga sa naturang video na tatlong sidewalk vendors ang nilapitan ni Kim, at doon nga niya pinaghati-hati ang pera na umabot sa halagang tatlumpu’t-apat na libong piso o Php34k.

Photo credits: Showtime| YT

Naka-kuwentuhan nga ni Kim ang mga street vendors na ito na kanyang nakasalamuha, kung saan isa na nga sa mga ito ay ang ginang na nagtitinda ng turon at banana cue. Ayon nga sa ginang, sa paglalako niya ng kanyang paninda ay umaabot lamang ng Php300 ang naiuuwi niya sa kanyang pamilya, kaya naman labis ang pasasalamat niya ng abutan siya ng Php10,000 ni Kim Chiu.

Photo credits: Kim Chiu| IG

Samantala, ang ice cream vendor naman na nakasalamuha ni Kim ay hindi rin napigilan ang maging emosyonal sa labis na kasiyahan matapos nga siyang makatanggap ng 20K mula sa It’s Showtime host – actress.

“Seryoso mam? Itong Php20,000 ay malaking tulong sa pamilya ko sa araw-araw namin na gastusin. Maraming salamat!”, ang naging saad nga ng sorbetero kay Kim.

Photo credits: Kim Chiu| IG

Ayon kay Kim kaya napili niya ang naturang lugar, ay dahil marami nga sa mga nagbebenta doon ay halos walang benta sa isang araw. Hindi naman maitago ang kanyang kasiyahan ng makita ang mga ngiti ng mga street vendors na kanyang nabiyayaan ng pera na mula nga sa pot money na naipon nila sa segment na Palarong Pang Madla.

error: Content is protected !!