Connect with us

Entertainment

Sophie Albert, Ipinasilip Ang Napakaganda at Sobrang Nakakarelaks Na Beach House Na Kanyang Naipundar

Hindi na nga mawawala sa mga sikat na artista sa showbiz ang ilaan sa mga mahahalagang bagay ang kanilang kinikita mula sa kanilang trabaho. Maliban nga sa pangarap na makilala at maging isang sikat na artista industriya ng showbiz, ay marami ring artista ang nangangarap na makapagpundar ng iba’t ibang klase ng ari-arian.

Credits: Sophie Albert and Vin Abrenica | YT

Tinitiyak nga nila na ang bawat sentimo na kanilang pinagpaguran ay may pupuntahan. At tayong mga tagahanga naman ay hindi natin pinapalampas ang pagkakataon na masilip ang mga bagay at ari-arian na kanilang naipundar na naghahatid sa atin ng inspirasyon para tayo’y magsumikap rin sa buhay.

Katulad na lamang nga ng napakagandang aktres na si Sophie Albert na nakapagpundar ng isang napakaganda at nakakarelaks na beach house. Marami naman talaga ang naghahangad na magkaroon ng beach house lalo na’t ito ang hanap ng marami pagsapit ng summer season para magbakasyon.

Credits: Sophie Albert and Vin Abrenica | YT

At kamakailan lamang nga sa bagong vlog na mapapanood sa Youtube channel ng magkasintahang Sophie Albert at Bin Abrenica ay kanilang ipinasilip ang nasabing napakagandang beach house sa matatagpuan sa Batangas.

Dito na rin naisipang magbakasyon ng kanilang pamilya kung saan nga ay makikitang nag-enjoy talaga sila. Sa nasabing vlog, ay ibinahagi ni Sophie na noong ginagawa pa lamang ang beach house ay halos linggo-linggo silang bumisita dito. Ngunit dahil sa pagiging abala sa trabaho at hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay madalang na lamang silang makabisita dito.

Sa unang bahagi ng video ay agad ipinakita ang kabuuan ng beach house kung saan masisilayan ang ganda nito. Kapansin-pansin rin na napakaaliwalas ng lugar at napakaganda rin ng tanawing masisilayan dito. Abot tanaw rin sa beach house ang gandang taglay ng Matuod Beach.

Credits: Sophie Albert and Vin Abrenica | YT

Ibinahagi naman ni Sophie ang kwento sa likod ng Matuod Beach. Ayon nga sa aktres, ang pangalan ng Matuod Beach ay hango umano sa kadahilangang ang tubig dagat ay nananatiling hanggang tuhod lamang kahit gaano pa kalayo ang lakarin mula sa dalampasigan.

May mahalagang papel naman sa buhay nina Sophie at Vin ang beach house na ito. Isang memorable moment dahil sa nasabing beach house lang naman nag-propose si Vin kay Sophie. Naikwento rin ni Sophie na tinawag ng kanyang ina ang beach house na Balai Hilom, kung saan nga ay nangangahulugang “healing house”.

Credits: Sophie Albert and Vin Abrenica | YT

Ibinahagi rin ni Sophie ang kanyang pinakapaboritong spot sa beach house. At ito nga ang Cabana kung saan sila madalas magsama-sama ang kanilang pamilya para magkaroon ng masayang bonding.

Isang magandang investment naman talaga ang magkaroon ng sariling beach house, dahil hindi lamang ito para kay Sophie kundi pati na rin sa kanilang pamilya. At sa nasabing beach house nga ay marami pa silang mabubuong masasayang alaala.

error: Content is protected !!