Kilalanin si Sophia, Ang Magandang Anak Ng Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas Kilalanin

Bilang magulang lalo na bilang isang ina ay mahalaga ang tamang paggabay sa tatahaking landas ng ating mga anak.

Photo Credit: Sophia Delas Alas Instagram

Iniisip natin ang kapakanan ng ating anak kung anong bagay ang magbibigay sa kanila ng kaligayahan. Isa na rito ang aktres na si Ai-Ai delas Alas na suportado ang kanyang anak sa anumang landas na nais tahakin nito.



Si Martina Aileen Hernandez delas Alas-Sibayan o mas kilala bilang Ai-Ai delas Alas ay isang kilalang aktres sa Pilipinas. Dahil sa taglay niyang galing pag-arte at talento sa larangan ng pagpapatawa sa telebisyon ay binansagan siya bilang “Reyna ng Komedya ng Pilipinas” at “Comedy Concert Queen”.

Siya ay 55 taong gulang na bukod sa pagiging aktres at komedyante ay kilala rin bilang isang host, recording artist, producer at talent manager. Una siyang sumikat at nakilala ng buong sambayanan sa kanyang pelikula na “Ang Tanging Ina” noong 2003 kung saan naging blockbuster hit ito. Dahil sa naging patok ito sa mga manonood, ginawan ito ng teleserye at nagkaroon din ng tatlong parte. Ito ay ang mga sumusunod: “Ang Tanging Ina N’yong Lahat” (2008), “Ang Tanging Ina Mo” (Last na To!) (2010) and “Enteng ng Ina Mo”(2011). Ang huli naman niyang pelikula ay ang “Our Mighty Yaya” noong

May 10, 2017 sa Regal Entertainment. Si Ai-Ai ay ikinasal sa aktor na si Miguel Vera kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Noong,April 3,2013, ikinasal naman siya kay Jed Salang na noon ay 28 taong gulang lamang na mas bata ng 20 taon sa kanyang edad. Ang kanilang pagsasama ay hindi nagtagal at natapos noong May 19, 2013. Sa kanyang Instagram account ay ipinahayag nya na noong April 2017 ay naengaged sila ni Gerald Sibayan at ikinasal naman sila noong November 2017.

Photo Credit: Sophia Delas Alas Instagram

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng mga netizens sa social media ang nag-iisang anak na babae ni Ai-Ai na si Sophia, kung saan ito ay huminge ng pahintulot sakanya na gusto nitong pumasok sa mundo ng showbiz na malugod naman niyang pinayagan. Masaya siya sa napiling karera ng kanyang anak at ibinibigay naman niya ang kanyang isang daang porsyento na pagsuporta sa anumang landas na nais tahakin nito.



Ipinahayag din ng aktres na baka mahirapan ang kanyang anak sa mundo ng showbiz kahit pa napakalaki ng hilig nito sa pag-arte ay ayaw naman daw nitong pasokin ang kanyang pribadong buhay. Si Sophia ay 23 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa De La Salle College at nag-aral naman ng Senior High School sa U.S. Ang kanya namang kapatid na si Sean Nicolo ay nakatira sa U.S. Ang kanya namang half-brother na si Sancho Vito Delas Alas ay kilala naman bilang isang aktor.

Photo Credit: Sophia Delas Alas Instagram
Photo Credit: Sophia Delas Alas Instagram

Maraming netizens ang humanga sa maganda at maamong mukha ni Sophia. Kaya naman walang duda na magkakaroon din ito ng matagumpay na kakera sa pag-aartista sa industriya ng showbiz katulad ng kanyang ina at kapatid balang-araw.