Connect with us

Entertainment

Soon To Be Tatay na si Billy Crawford, Pinasayaw si Baby sa Loob ng Tiyan ni Mommy Coleen ng Kantahan niya ito

Published

on

Ang aktor na si Billy Crawford at aktres na si Coleen Garcia ay nagsimula ang pag-iibigan sa kanilang trabaho bilang host sa programa ng ABS-CBN na “It’s Showtime”. Hindi nga nagtagal ang kanilang relasyon bilang magkasintahan ay lumalim at naging matatag pa. At noong, noong Disyembre 20, 2016 ay inalok na ni Billy si Coleen ng kasal. Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa ng sagot si Coleen kaya naman ang kanilang pag-iisang-dibdib ay ginanap noong April 20, 2018. Matapos nga ang ilang taon ng kanilang kasal, ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga na dahil mayroon na silang magiging panganay na anak at masaya itong ibinahagi ng mag-asawa sa Instagram noong May 1, 2020.




Ngayon nga ay nasa ika-23 weeks na ng pagdadalang-tao si Coleen kung saan ay excited na silang mag-asawang masilayan ang kanilang munting anghel. Sa bawat yugto naman ng pagbubuntis ni Coleen ay nakasuporta at laging nakaalalay ang asawang si Billy. Sa katunayan, ay kinakantahan at kinakausap pa ni Billy ang sanggol sa sinapupunan ni Coleen. Hindi maitatanggi na ngayon pa lang ay mahal na mahal na niya ang kanyang anak.

Samantala, ang pananabik na idinadaan ni Billy sa pagkanta ng awiting “Don’t Worry Be Happy” ni Bobby Mcferrins sa baby sa loob ng sinapupunan ni Coleen ay ibinahagi ng mag-asawa sa Instagram kung saan naaktuhang tila nagpapakitang gilas ang baby dahil ito’y sumasabay ng paggalaw sa awitin ni Billy.

“Baby’s dancing along to Daddy’s voice,”

caption ni Coleen sa kanyang post.

Samantalang si Billy naman ay nilakipan ang kanyang post ng caption na:

#BabyCrawford, Mommy & Daddy love you so much and understand you’ve been in quarantine longer than we have.”

Hindi naman napigilan ng kanilang mga taga-hanga at mga kaibigan sa showbiz na ipakita ang suporta at nararamdamang excitement sa nalalapit na pagsilang ni Coleen sa kanilang baby.

Isa na nga sa mga nagbigay ng komento si Anne Curtis na nagsabi ng:

“So precious!!! Wait till you see my latest version of this — with bub outside belly na,”

“Priceless moments. Happy for you guys,”

saad naman ni Mariel Rodriguez.




“I’m so excited for you guys,”

pahayag naman ng model-actress na si Isabelle Daza.

Sa isa namang post sa Instagram, ipinahayag ni Coleen na noong nakaraang taon pa nila nalaman na siya ay nagdadalang-tao, ngunit kamakailan lamang nila inanunsiyo sa publiko.

“We found out earlier this year, but I’ve been pregnant since Dec 2019, and it’s been quite a ride since then!”

error: Content is protected !!