Connect with us

Entertainment

Soon To Be Mommy na si Angeline Quinto, Ibinahagi Ang Kanyang Pregnancy Journey

Naniniwala ang singer-actress na si Angeline Quinto na kapag may isang mahal sa buhay ang nawala, ay magkakaroon ito ng kapalit. At para nga kay Angge, sa pagkawala ng kanyang Mama Bob ay siya namang pagdating ng kanyang baby sa kanyang sinapupunan.

Tuluyan na ngang inihayag ni Angge sa publiko ang kanyang pagbubuntis sa baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Matapos nga ng naging eklusibong panayam ni Angge kay Boy Abunda ay tuluyan nang ibinahagi sa publiko ng singer ang kanyang pregnancy journey.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Nito lamang ika-26 ng Disyembre ay masayang ibinahagi ni Angge ang isang vlog sa kanyang YouTube channel na naglalaman ng kanyang pregnancy journey. Ayon kay Angge, ay napakaespesyal ng vlog na ito para sa kanya dahil nga malapit na siyang maging isang ina, ay nais nitang ibahagi ito sa kanyang mga tagahanga.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Inamin ni Angge na bagama’t wala na sa tabi niya ang kanyang Mama Bob, ay ito parin ang unang taong kanyang sinabihan ng kanyang pagbubuntis. Inamin rin ni Angge na noong una’y magkahalong saya, takot at kaba ang kanyang naramdaman nang malaman niyang buntis siya.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Kwento pa nga ni Angge ay naging maselan ang kanyang pagbubuntis. Dahil unang beses niya itong naranasan ay nanibago siya sa kanyang nararamdaman. Inamin ni Angge na ang mga kasama niya sa bahay ang nakadiskubre na naglilihi na siya. Naging maselan naman ang kanyang paglilihi kung saan ay naging pihikan siya sa pagkarin, at mga mga bagay rin na talagang inaayawan. Pagbabahagi nga ng singer ay hinahanap niya ang mga pagkain na kulay puti, tulad ng puting kanin, singkamas, buko at vanilla ice. Ang paborito niya namang lutong ulam na baka, ang pinakainaayawan ni Angge at mas hinahanap na nga ang ulam gaya ng isda, baboy at manok.

Samantala, kahit naman buntis na ay kinakailangan paring magtrabaho ni Angge ngunit tinitiyak naman niya na sinusunod niya ang lahat ng payo ng kanyang doctor lalo na nga’t maselan ang kanyang pagbubuntis.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Nabanggit rin ni Angge ang tungkol sa tatay ng kanyang anak. Ngunit, ayon naman kay Angge ay hindi pa siya handang ibunyag sa publiko ang katauhan nito lalo na nga’t ayaw umano nitong pag-usapan sa showbiz. Sa kabila nito, ay tiniyak naman ni Angge na darating ang tamang panahon na makikilala ng publiko ang katauhan ng ama ng kanyang dinadala. Higit namang mahalaga kay Angge ngayon na masaya sila at tunay ang pagmamahalan nila ng kanyang non-showbiz, kung saan nga ay mahal na mahal siya at ganun din siya dito.

Sa huli ay ipinakita naman ni Angge ang mga natanggap na regalo mula sa mga taong nagmamahal sa kanya at sa kanyang magiging anak. Hindi maitago ni Angge ang kanyang saya at pasasalamat sa mga taong nagpaabot ng kanilang regalo.

Labis naman ang pasasalamat ni Angge dahil ngayong pasko ay natanggap niya ang isang napakagandang regalo. At ito nga ang kanyang baby na dinadala niya sa kanyang sinapupunan.

error: Content is protected !!