Connect with us

Entertainment

Soon-to-be-mom na Si Angelica Panganiban, Ibinida ang Kanyang Baby Bump Habang Nakasuot ng Seksing Swimsuit Outfit

Kahit buntis, ay tunay namang kahanga-hanga pa rin ang taglay na ganda ng soon-to-be-mommy ng aktres na si Angelica Panganiban.
Parang kailan lamang nga ng masayang ibahagi ni Angelica o mas kilala sa tawag sa kanya bilang si Angge ang isang magandang sorpresa na dumating sa buhay nila ng partner niyang si Gregg Homan, at ito nga ay ang pagbubuntis niya sa kanilang magiging panganay na anak.

At nito lamang ngan nakaraan, ika-21 ng Abril taong 2022 ay makikita naman sa ibinahaging mga larawan ni Angge sa kanyang Instagram account ang masayang beach trip nila ng partner niyang si Gregg, kung saan ay ibinida rin nga niya sa ilang mga larawan ang lumalaki na niyang baby bump.

Makikita nga sa mga larawan na ang 35-taong gulang ng aktres na si Angge ay nakassuot ng white bikini at printed cover-up habang nasa beach, at sa isa namang larawan ng aktres ay makikita naman na siya ay nakasuo ng like blue bikini habang kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend. Sa mga larawan ding ito na nakasuot ng bikini si Angge, ay litaw na litaw na nga ang kanyang baby bump na ngayon ay malaki na.

“BabyMoon [full moon emoji]”, ang naging caption ng soon-to-be-mom sa mga larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang IG post.

Photo credits: Angelica Panganiban | IG

Photo credits: Angelica Panganiban | IG

Maliban pa nga sa mga larawan na ito ay nagbahagi rin ng ilan pang mga larawan si Angge sa kanyang IG stories, kung saan dito niya ipinakita ang iba’t ibang mga activities na ginawa nila ng partner niyang si Gregg sa kanilang naging beach trip.

Photo credits: Angelica Panganiban | IG

Ayon sa aktres, isa nga sa mga na-enjoy nila ay ang romatic sunset dinner nilang mag-partner. Ipinahayag din ni Angge sa kanyang caption kung gaano kasaya ang buhay niya ngayon, lat kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng mga biyaya na kanyang natatanggap.

“Nothing but joy! Thank you universe”, aniya sa caption.

Photo credits: Angelica Panganiban | IG

Isa pa nga sa mga ibinahaging larawan ni Angge na talaga namang nagpamangha sa marami ay ang kanyang bathroom selfie, kung saan ay makikita na siya ay nakasuot ng red lingerie, dito ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan at kaseksihan ni Angge kahit na nga siya ay preggy.

Pinuri naman ng marami ang pagiging blooming ni Angge ngayon na siya ay buntis, ilan nga sa mga nagbigay papuri ay mga celebrity friend’s ng aktres kagaya na lamang nina KC Concepcion, Janine Gutierrez, Bela Padilla, Bianca Gonzales, Liz Uy, Sunshine Dizon at marami pa ngang iba.

error: Content is protected !!