Connect with us

Entertainment

‘Soon to Be Mom’ Dianne Medina Proud Na Ipinasilip Ang Baby Bump Sa Kanyang Maternity Shoot

Published

on

Tunay nga naman na labis at nag-uumapaw na kaligayahan ang nadarama ng isang magiging ina. At walang papantay sa karanasan ng isang babae habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang isang buhay sa loob ng ilang buwan.

Ganito ang pinagdadaanan ng soon-to-be Mommy na si Dianne Medina-Ilustre na ngayon ay ipinagbubuntis ang kauna-unahan nilang anak ng kanyang real life partner na si Rodjun Cruz. Nitong nakaraang Disyembre 2019 lamang ng magpakasal ang dalawa at noong Abril ay inanunsyo nila na magkakababy na sila.



Sa kabilang banda, bilang paghahanda ng celebrity couple sa pagdating ng kanilang first baby ay napagdesisyunan nila na magdaos ng isang maternity photo shoot bilang isang magandang alaala.

Photo credits: Dianne_Medina | Instagram

Sa Instagram account ng magandang aktres ay ibinahagi niya ang ilang kuha mula nasabing maternity photo shoot,

“Answered Prayer ❤️🙏👶”, mensahe pa niya dito
“I love my 2 babies 💙💙💙
My Baby RJ and Baby RJD 👶”, caption pa ni Dianne.

Photo credits: Dianne_Medina | Instagram

Ginanap ang nasabing photo shoot sa loob mismo ng tahanan nila Rodjun at Dianne dahil kasalukuyang umiiral pa rin sa NCR ang General Community Quarantine. Samantala, naging possible ang nasabing event sa tulong ng kilalang Nice Print Photography at makikita mula sa kuha nila ang masasayang larawan ng celebrity couple lalo na si Dianne na proud na ipinakita ang kanyang 28 weeks na baby bump.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Sa kabilang banda, labis naman ang tuwa ng gwapong soon-to-be daddy na aktor at ayon pa sa kanya ay hindi na siya makapaghintay na makarga ang anak. Ayon sa aktor isang malaking pagpapala sa kanilang mag-asawa ang mabiyayaan ng anak at okay lang sa kanila kung baby boy o baby girl man ito,



Sa ginanap na virtual party nitong nakaraang buwan ng June ay inanunsyo nila na isang baby boy ang ipinagbubuntis ng 33 taong gulang na aktres,

““Finally nalaman ko na boy ang anak namin ni Dianne”,
“Sobrang happy ko talaga hindi ma-explain ‘yung feeling, overwhelming. Actually hindi ko alam ang sasabihin ko, speechless talaga siyempre thankful talaga ako. Answered prayer kasi nagkaroon kami ng baby ni Dianne. Tapos kahit boy or girl ‘yan kung ano ang blessing na ibigay sa amin ni Lord ay mamahalin namin ng sobra. Ngayon siyempre nalaman ko na baby boy. Excited ako sa future namin”, masayang pagbabahagi pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Ilang mga tagahanga ang binati ang soon to be parents na sina Rodjun at Dianne,

“paulamercado30 – Wow congrat po swerte nyo po sa isat isa your fan here ingat po lage kayo ng fam mo🙏🙏🙏”,
“thel4 – I guess is a boy 👶”,
“mumslasagna.ph – excited to see your baby! im sure you two will be great parents!😍❤️❤️❤️ take care!”,
“charose2009 – Congrats 👏👏😍God bless sa Family nyo”,
“lenyreballos – Wow 💖💖💖 congrats to both of u Dianne and Rodjun.

error: Content is protected !!